MARY'S POV
Lunes pa lang pero parang gusto ko nang sumapit ang Sabado. It's my first time to wish such thing because I enjoy studying. But at this case, how can I enjoy my stay in school if a bug keeps on pestering me? The bug I'm referring to is none other than Christopher.
Alam kong pinapaiwas ako ni Peter sa kaibigan niyang si Christopher pero paano ko naman gagawin 'yon kung siya itong lapit nang lapit na akala mo ay may imaginary string sa pagitan namin.
"Here. Have some." Iniabot sa akin ni Christopher ang isang burger at spaghetti na may kasama pang soda.
"No, thanks. I'm full," walang gana kong sabi at iniusog pabalik kay Christopher ang pagkain na iniaalok niya sa akin.
Mabuti na lang talaga at wala rito ang tatlong kumag dahil baka tuluyan na akong mabaliw kapag nagkataon.
"Mar, sayang 'yong food. Akin na lang," pabulong na sabi sa akin ni She.
"Edi hingin mo kay asungot," pabulong ko ring sagot kay She.
"Ikaw na lang. Nakakahiya," pag-iinarte ni She.
Aba't may hiya pa pala siya? Hindi ako nasabihan.
"Umorder ka na lang ng sa 'yo. Hindi ka pa naman namumulubi, hindi ba?" tanging sagot ko kay She at muli na lang akong bumalik sa pagkain ko.
Ayoko ngang tingnan o kausapin ang asungot na kaharap ko tapos uutusan ako ng bruha na hingin sa kaniya ang pagkaing tinanggihan ko na? No way.
"Mary, anything you want? Just say it and I'll buy it for you," pangungulit na naman ni Christopher.
Anything I want? Let's see.
"What I want is for you to get lost and to stay away from me," I answered.
"Grabe, Mar. Ang taray ng drama mo," natutuwang bulong ni She na para bang aliw na aliw siya sa nasaksihan niya.
"Stop this sh*t, bro. It won't work on her," mariin at seryosong wika ni Peter.
I was so shocked not because of what Peter said, but with the way he said those words and the way he delivered it. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito kaseryoso. Madalas kasi ay pangiti-ngiti lang siya sa tabi habang nanonood at nakikinig sa kulitan namin ni She.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang mayroon sa pagitan nina Christopher at Peter. Titigan pa lang kasi nila ay parang may kakaiba na. Para silang nag-uusap gamit lamang ang pamatay nilang titigan.
Parang nagbabanta ang mga tingin ni Peter habang nakangisi lang naman si Christopher na nakatingin sa kaniya at para bang hindi man lang ito natinag sa masamang tinging ipinupukol sa kaniya ni Peter.
"I told you, bro. It won't be easy," mapang-asar na sabi ng kararating lang na si Justin kasunod sina Stanley at Ryan.
Anong hindi magiging madali?
"Tss! O, sa 'yo na lang. Gutom lang 'yan, bro." Iniabot ni Christopher kay Justin ang pagkaing tinanggihan ko kanina na agad namang nilantakan ni Justin.
"How about me?" nakangusong tanong naman ni Ryan na daig pa ang batang inagawan ng lollipop sa itsura niya.
"Oo nga, bro. Gutom na rin kami," pagpapaawa pa ni Stanley na nakapangalumbaba na sa mesa.
"Bumili kayo ng sa inyo. I have to go. Una na ako sa inyo," paalam ni Christopher at padabog na ibinagsak ang kutsara't tinidor na ginamit niya bago mabilis na umalis ng canteen.
"Una na rin ako sa inyo. May kailangan lang akong gawin," paalam din ni Peter at hinalikan pa si She sa pisngi bago tuluyang umalis.
"Anong nangyari sa dalawang 'yon? Ba't nag-walk out?" nagtatakang tanong ni She.
"Just don't mind them. Libre na lang ninyo kami," nakangiting sabi ni Ryan at talagang nagpa-cute pa sa harapan namin.
"Utot mo!" pambabara namin ni She kay Ryan saka namin sila iniwang tatlo na mga nakanguso pa at panay ang pagpapaawa.
♡•♡•♡•♡•♡
CHRIS' POV
"I already warned you." Rinig kong sabi ng isang boses mula sa aking likuran.
Bumuntong-hininga ako saka ko hinarap ang taong nasa likuran ko. It's Peter. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako.
"Still, I'm not going to give up. You know me too well. I don't give up on anything. Kahit kailan ay hindi pa ako natatalo sa laro ng barkada kaya hindi ko hahayaang ang nerd lang na 'yon ang ikatalo ko," mariing sagot ko na punong-puno ng determinasyon.
Hindi ako makapapayag na matalo ako sa laro ng barkada lalo pa't condo at pride ko ang nakataya rito. My condo is the only place where I can unwind.
May ibang pamilya na ang magaling kong ama at wala na ring masyadong oras si mommy para sa amin dahil sa pagiging abala niya sa trabaho para mabigyan kami ng komportableng buhay. Si ate ang siyang nag-aalaga sa nakababata naming kapatid tuwing pag-uwi niya galing school. May yaya naman ang nakababata kong kapatid na si Krystal kaya hindi siya naiiwang mag-isa sa bahay. Dahil sa sitwasyon namin ay mas pinipili kong tumambay sa condo mag-isa kaysa makita kung paano kami unti-unting nawawalan ng oras sa isa't isa na kasalanan ng babaero naming ama. Kung hindi sana siya nambabae at naghanap ng ibang pamilya ay hindi sana ganito kaabala si mommy at sana may katulong pa rin siya sa pagtataguyod ng pamilyang namin.
My condo is the only place where I can escape from the reality. Kaya wala nang makapagpapabago pa ng pasya ko. Hindi ko hahayaang mawala ang kaisa-isang lugar na itinuturing kong paraiso dahil sa isang babae lang.
"Naiintindihan ko na gusto mo lang pangalagaan ang pride mo. Pero sana naman huwag umabot sa punto na sasaktan mo ang kaibigan ko para lang ipakita mo sa amin na hindi ka namin kayang talunin," halos nagsusumamo nang sabi ni Peter.
Minsan ay napapaisip na ako kung bakit ganito na lang ang pag-aalala ni Peter sa nerd na 'yon. Sa lahat ng naging target namin ay ngayon lang siya tumutol. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na pinakiusapan niya akong humindi sa isang hamon lalo pa't kilala niya ako bilang isang taong walang inuurungang hamon o laban.
"Bakit ba ayaw na ayaw mong maging target ang nerd na 'yon?" inis nang tanong ko.
"Dahil kaibigan ko siya at mabuti siyang tao. Hindi niya deserve na masaktan at mas lalong hindi niya deserve ang mapaglaruan. Pwede mo namang pakiusapan sina Justin na iba na lang ang ibigay na target sa 'yo. Just don't do it. Don't break her heart which is pure and fragile," muling pakiusap niya.
I feel sorry for him. Pero hindi ko mapagbibigyan ang hiling niya. Not this time. Nakaoo na ako at hinding-hindi ko na babawiin 'yon. May isa akong salita.
"I'm sorry, bro. Buo na ang pasya ko. I'll surely win this game."
Malalim siyang bumuntong-hininga bago magsalita. "Then I'll do anything and everything just to protect her against you. You'll lose this time. Mark my word," mariing sabi niya at basta na lang umalis.
Pasensiyahan kami pero ipapanalo ko ang larong 'to kahit siya pa mismong kaibigan ko ang maging hadlang.
A/N: Haist! Sarap ingudngod nitong si Chris e. Mas importante pa sa kaniya ang pride niya kaysa sa feelings ni Mary.
Ano, revengers? Ipa-salvage na ba natin itong si Chris? Just kidding. Kidnapin na lang ninyo tapos gawin ninyong souvenir.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...