THIRD PERSON'S POV
Tulad ng nakasanayan ay maagang nagising ang lahat upang mag-ayos ng kanilang mga sarili at upang manguha ng mga sanga ng kahoy na gagamitin para sa bonfire nila bukas at para na rin makapaghersisyo. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kusa na silang kumikilos at hindi na nila hinintay pang gisingin o pagsabihan at utusan sila ng kahit na sino na siya namang labis na ikinatuwa ng tatlong gurong kanilang kasama dahil mukhang naging epektibo at matagumpay naman ang outing nila.
Pagkatapos nilang mananghaliang lahat ay muli silang tinipon sa bakuran ng villa para sa mahalagang anunsiyo.
"Lahat na ba ay nandito?" pambungad na tanong ni Sir Jonathan sa lahat.
"Yes, sir!" masiglang tugon ng halos lahat ng mag-aaral.
"Sino sa inyo rito ang excited nang malaman ang winner sa nakaraang activity?" pasigaw na tanong ni Sir Jonathan sa lahat.
"Kami!" nagkakagulong sagot ng halos lahat sa kanila na nagtataasan pa ng mga kamay.
"Mukhang lahat naman excited, Sir Jonathan. Kaya huwag ka ng pa-suspense diyan. Come on, spill it," pabirong sabi ni Ma'am Meg kay Sir Jonathan na agad namang sinang-ayunan ng lahat.
"Oo nga naman, sir! Dami mo namang ka-ek-ekan e," reklamo ng karamihan na siyang ikinatawa ni Sir Jonathan at maging ng dalawa pang guro.
"Okay, okay. Sasabihin ko na," tumatawang sabi ni Sir Jonathan na nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Saglit na tumigil si Sir Jonathan upang pigilan ang kaniyang pagtawa. Makalipas lamang ang ilang segundo ay bigla na lamang itong sumeryoso na nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman ng mga estudyante.
"The winner for the cooking activity that was held yesterday who will receive a perfect score in your performance is..."
Sinadyang tumigil ni Sir Jonathan nang matagal upang maging kaabang-abang ang pag-anunsiyo niya ng nanalo sa nakaraang kompetisyon.
Mababakas sa mukha ng lahat ang kaba at pagkapanabik na malaman ang resulta maliban na lang kay Mary na mukhang walang pakialam sa kung sino man ang i-anunsiyong panalo dahil inaasahan at tanggap niya na sa sarili niyang wala na silang pag-asa pang tanghaling panalo dahil sa gulong ginawa nila ni Chris sa kalagitnaan ng nasabing kompetisyon.
"None other than... the group of Ms. Angeles and Mr. Rodriguez!" masayang anunsiyo ni Sir Jonathan sa nanalo.
Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Mary. Biglang namilog ang kaniyang mga mata, umawang ang kaniyang bibig at hindi makapaniwalang napatingin kay Sir Jonathan na nakatingin na rin sa direksyon nila.
"Mar! Panalo tayo!" tuwang-tuwang sigaw ni Sheena at dinamba ng yakap ang tulala pa ring si Mary.
"Yey! Karla, perfect tayo sa performance!" tuwang-tuwa ring tili ni Bea at halos sakalin na si Karla sa higpit ng pagkakayakap niya sa leeg nito.
"First time!" buong saya ring sigaw ni Karla na tila ba wala lang sa kaniya ang pagsakal sa kaniya ni Bea at sa halip ay niyakap niya rin ito pabalik.
"Karla/Bea, ako ba hindi mo yayakapin?" parang batang tanong nina Stanley at Ryan na panay pa ang pa-cute sa harapan nina Karla at Bea.
"Tse!" sabay na sigaw nina Karla at Bea kina Stanley at Ryan at inirapan pa ang dalawang nagmumukha ng pato sa sobrang haba ng mga nguso nila.
"Halika, Ryan. Ikaw na lang ang iha-hug ko," nakangusong sabi ni Stanley na nakabuka pa ang mga braso para salubungin ng yakap si Ryan.
Katulad ni Stanley ay ibinuka rin ni Ryan ang mga braso niya at nakanguso siyang lumapit kay Stanley para bigyan ito ng isang mahigpit na yakap.
"Hug!" parang batang sigaw ni Ryan.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...