CHAPTER 66: Burst of Anger

1.6K 42 0
                                    

MARY'S POV

"Magmula ngayon, hindi ka na makikipagkita pa sa lalaking 'yon! Maliwanag ba?" galit na bulyaw sa akin ni kuya nang sandaling makapasok kami ng bahay.

"No! You can't control me! Hindi mo ako pwedeng diktahan kung anong dapat kong gawin! This is my life at kaya kong magdesisyon para sa sarili ko!" galit ko ring sigaw kay kuya.

Kung kailangan kong tapatan ang galit niya para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Chris ay gagawin ko. Hindi ko na siya hahayaan pang muli kaming paglayuin. Hindi ako machine na automatically susunod sa gusto niya o sa ano mang sasabihin niya. I'm a person and I have my life too. Buhay na pinipilit niyang pakialaman.

"L*ntik!" Sunod-sunod na malulutong na mura ang pinakawalan ni kuya bago niya ako mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso ko. "Kapag sinabi kong hindi ka na makikipagkita sa lalaking 'yon, hindi na! Lalayuan mo na siya!" galit na bulyaw niya sa akin pero sa kabila nito ay nanatili pa rin akong nakatayo nang tuwid nang hindi nanginginig sa kabila ng higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

Maaaring noong bata ako, marinig ko pa lang ang pagtaas ng boses niya ay nanginginig na ako sa takot. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Buhay ko na ang pinag-uusapan at hindi basta-bastang matitibag ang paninindigan ko.

"Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa inyo na hindi ko siya lalayuan? Matanda na ako! Hindi na ako bata! Alam ko na ang ginagawa ko!" galit na giit ko.

Sinabayan ko na rin ang taas ng boses ni kuya. Sigawan na kami kung mag-usap at walang ibang maririnig sa buong kabahayan kundi ang sigawan namin. Ewan ko na lang kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinatatahimik nina mommy. I guess they're not around.

Hindi makapaniwalang napabitiw si kuya sa pagkakahawak niya sa akin at matalim akong tiningnan. "Iyan ba ang natututunan mo sa lalaking 'yon? Natututo ka nang sumagot. Hindi ka naman ganiyan dati ah!"

So ngayon, pati ang pagsagot-sagot ko sa kaniya ay isisisi niya kay Chris? Wala na ba talaga siyang magawa sa buhay niya kaya pinag-iinitan niya si Chris? Wala namang ginagawang masama sa kaniya 'yong tao ah. Wala nga itong ibang ipinakita kundi puro kabutihan.

"Bakit? Mali bang ipaglaban ko ang sa tingin kong tama? Mali bang ipaglaban ko ang taong mahal ko?" mangiyak-ngiyak nang tanong ko. "Kuya, ngayon lang ako nagdesisyon para sa sarili ko. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para ipaglaban ang taong mahal ko at harapin ang takot ko. Mali ba? Mali bang magdesisyon ako para sa sarili ko? Ngayon lang ako humiling at nagdesisyon ng para sa sarili ko. Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa inyo at maging mabuting kapatid at anak. Can't you just be happy for me?"

Nagmamakaawa na ang tono ng boses ko at nag-uunahan na rin sa pagtulo ang luha ko pero pakiramdam ko ay namanhid na si kuya kaya ni katiting na awa o simpatya ay wala akong makita sa kaniya.

"Paano akong magiging masaya kung alam kong sasaktan ka lang ng lalaking 'yon?" seryosong tanong ni kuya na hindi na makatingin sa akin nang diretso.

Iyon ba? Iyon lang ba ang inaalala niya kaya niya 'to ginagawa?

"How can you be so sure? Hindi ganoong klase ng lalaki si Chris. Hindi niya ako sasaktan," confident kong sagot kay kuya.

Malaki ang tiwala ko kay Chris at nakikita at nararamdaman kong mahal niya ako kaya sigurado akong hindi niya ako magagawang saktan sa kahit na anong paraan.

"Pero sinaktan ka na niya! Sinaktan ka na niya dati. Can't you remember?" puno ng panggigigil na sagot ni kuya.

"D*mn it! That was just a misunderstanding!" galit kong tugon.

"Watch your word, Mary Sophia Angeles!" may pagbabantang sabi ni kuya. "Kuya mo pa rin ako."

Kuya nga ba? E ang dating ay parang siya pa ang bunso sa aming dalawa sa inaasal niya e.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon