CHAPTER 23: Having Fun

2.8K 90 4
                                    

CHRIS' POV

We are going to a mall today just like what I promised to Krystal.

Dahil tapos naman na akong magbihis ay naisipan kong pumunta na muna sa kwarto ni ate para tanungin siya sa bagay na gumugulo sa akin magmula pa noong dinner sa bahay ng mga Angeles.

"Ate, can I ask you something?" pagkuha ko sa atensiyon ni ate.

Saglit siyang napahinto sa ginagawa niyang pag-aayos ng kaniyang sarili sa harap ng salamin. She looked at me through our reflection in the mirror. I was standing at the side of the door, leaning on the wall with my hands in my pocket.

"Ano 'yon?" nakangiting tanong niya.

I took a deep breath before asking her. "How can you know if you love someone?" diretsahang tanong ko.

Nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya gamit ang repleksyon niya sa salamin. Ilang minuto siyang tulala at parang hirap paniwalaan ang sinabi ko.

"I'm sorry. What did you ask again?" she asked when she recovered.

"How can we be certain that we're in love with a particular person?" pag-uulit ko sa tanong ko.

Natahimik siya nang ilang segundo na para bang iniisip niya ang magiging sagot niya sa tanong ko.

"Well, there are different ways to find out if you're in love with someone. But you are the only one who is capable of knowing it since you're the one who can feel that feeling of being in love. The answer to your question can be found in your heart," she answered.

Huh? What is she talking about? It did not help me distinguish my feelings for Mary at all. Why did I even ask her in the first place? She doesn't even have a boyfriend.

Nabalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko ang marahang pagtawa ni ate.

"Your face is priceless. Magulo ba?" natatawang tanong niya.

Dahil sa sinabi ni ate ay doon ko lang napagtantong kunot na kunot na pala ang noo ko at salubong na rin ang mga kilay ko. Marahan na lamang akong tumango dahil wala akong makuhang salita na maaari kong isagot sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon at gusto ko nang matapos 'to.

"Ganito kasi 'yon, Tofer. Masasabi mo na mahal mo ang isang tao kapag palagi mo siyang hinahanap at hindi siya mawala-wala sa isipan mo," paliwanag ni ate sa malumanay na boses.

Check. I always think of her. Kung kumain na ba siya, anong ginagawa niya at kung sinong kasama niya. Also, I always look for her that's why I keep on joining them in their meal even though she always treat me like an annoying creature before.

"Iyon bang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita, nakakausap o nakakasama," pagpapatuloy ni ate.

Another check. Parang may kulang sa pagkatao ko kapag wala siya kaya nga panay ang sunod ko sa kaniya saan man siya magpunta.

"Once you love a person, you always care for her and you want her to be safe. And since you're a man, you want to be her knight in shining armor."

A big check. After I save her, I always wanted to be by her side to protect her from getting hurt. I want to be her savior or what you called knight in shining armor who is always there to save her.

"The simplest and easiest way to find out if you have fallen for someone is when you keep on smiling for no reason. Maalala mo lang siya ay napapangiti ka na. Saka madalas ay makita mo lang siyang masaya at nakangiti ay napapangiti ka na lang din nang hindi mo namamalayan," nakangiting sabi ni ate habang titig na titig sa repleksyon ko sa salaming nasa harapan niya.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon