MARY'S POV
Dahil buwan na ng Setyembre ay magkakaroon ng Sports Fest ang university. May apat na team na maglalaban-laban para tanghaling kampeon: ang Team A-Hawk, Team B-Peacock, Team C-Jaguars at Team D-Unicorn.
Bukod sa mga palaro ay may inihanda ring mga pakulo ang Supreme Student Government (SSG) officers. May mga inihandang booths na bubuksan pagsapit ng ikatlong araw ng Sports Fest matapos ang lahat ng mga palaro.
Hindi ako kasali sa SSG dahil ayokong nahahati ang oras ko sa pag-aaral. Sa mga nakaraang Sports Fest ay kailanman hindi ako sumali sa kahit anong laro at nakaupo lang ako sa isang sulok. Pero ngayon ay imposibleng mangyari na maupo lang ako sa sulok dahil nakalista na ang pangalan ko sa Badminton Double. Hindi ko na inaalam pa kung sinong nagpalista sa 'kin dahil nang malaman kong si She ang ka-double ko ay kaagad nang nasagot ang tanong sa isip ko.
"Mar! Ang tagal mo namang magbihis! Magsisimula na ang game!" reklamo ni She na halata sa boses ang pagkainip.
"Oo na! Ito na!" sigaw ko sa kaniya mula sa loob ng banyo.
Kani-kanina ko lang nalamang kasali pala ako sa badminton kaya hindi ako nakasuot ng uniporme ng Team C pagkapasok ko.
Nang matapos na akong magbihis ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin.
"Mar, ano ba? Nilamon ka na ba ng inidoro? Gusto mong pasukin na kita riyan?" May pagbabanta na sa tono ng boses ni She kaya agad kong kinuha ang bag ko na nasa lababo at mabilis itong sinukbit saka ako lumabas ng banyo.
Mukha ng nakapamaywang na si She ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng banyo. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis ko siyang nilampasan para dumiretso sa locker area para iwanan sa locker ko ang bag na dala ko.
"Hoy! Ikaw, babae ka! Matapos kong maghintay sa 'yo nang pagkatagal-tagal, basta ka na lang mang-iiwan!" malakas niyang sigaw habang nakasunod sa likuran ko.
Nagkunwari na lang akong walang naririnig at itinuon ko na lang sa daan ang aking buong atensiyon.
Nang mailagay ko sa loob ng locker ko ang bag na dala ko ay sinalubong ko ng tingin si She na nag-uusok na ang ilong sa galit habang naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Ikaw, babae ka! Kailan ka pa natutong mang-iwan sa ere? Alam mo bang napahiya ako dahil sa ginawa mo?" panunumbat niya na siyang ikinatawa ko.
"Ako ba nagpahiya sa 'yo? Hindi ba't ikaw ang nagsisisigaw riyan na parang wala nang bukas?" natatawang sagot ko.
"Ahh, basta. Halika na, magsisimula na ang laro," pag-iiba niya ng usapan.
Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis niya na akong kinaladkad papuntang field kung saan kami maglalaro.
"Ano pang hinihintay mo? Pasko?" singhal sa akin ni She, dahilan para mapansin kong napatigil pala ako sa paglalakad nang hindi ko namamalayan.
"Mary! Bhe!" sigaw ni Peter mula sa malayo habang patungo sa aming direksiyon kasama si Chris.
"Nandiyan lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap," wika ni Peter nang tumigil sila sa aming harapan.
Napairap na lamang ako nang parang makahiyang biglang tumiklop si She pagkalapit nina Peter.
"Ba't ang tahimik ninyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Chris habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni She.
"May dumaan kasing anghel kaya biglang nanahimik ang isa riyan," pagpaparinig ko kay She.
Salubong ang kilay kong binalingan ng tingin si She dahil sa hindi niya pagreklamo sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapaikot ang mga mata nang makita kong ang dahilan pala ng pananahimik niya ay ang pakikipaglampungan niya kay Peter.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
Storie d'amoreMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...