SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

2.9K 45 5
                                    

Minsan na akong nasaktan at nadurog ang puso
Noong ako’y minsang sumugal sa ‘yo.
Magmula noon ay sinabi ko sa sarili ko‚
Hindi na ako muling magpapauto sa ‘yo.

Lahat ng paraan ay ginawa ko na
Para lang malimutan ka.
Pinutol ko lahat ng koneksyon ko
sa ‘yo,
Itinatak ko sa sarili ko ang araw na nadurog ang puso at lumuha ng dahil sa ‘yo.

Akala ko lahat ng ‘yon ay sapat na
Upang makalimutan ka
At maalis ang ano mang nararamdaman ko para sa ‘yo
Pero hindi pala, mali ang akala ko.

Noong muli tayong magkita
Pigilan ko man ay talagang ikaw pa rin ang sinisinta.
Sa muli nating pagkikita ay napatunayan ko
Hindi pa nga tuluyang nawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.

Ngunit dahil sa takot na ako’y muling masaktan sa piling mo,
Pinili kong lumayo.
Iniwasan kita hanggang sa kaya ko
Pilit pinigilan ang isinisigaw ng puso.

Ngunit sadyang mapilit ka
Paulit-ulit mo akong sinuyo hanggang sa makuhang muli ang tiwala
At itago ko man sa sarili ngunit huli na
Muli mo nang nabubuksan ang puso kong minsan ko nang isinara.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli mo akong napaniwala
Sa pangalawang pagkakataon ay muli mong ipinadama
Ang pag-ibig mong dahilan ng aking pangungulila.
Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong sumugal sa pag-asang sa huli ay magiging tayo na.

Noong mga unang araw at buwan ng ating muling pagsasama
Pinaramdam mo sa akin kung paanong maging masaya
Pinaramdam mo sa akin kung gaanong kasaya ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo
Pinaramdam mo sa akin ang halaga ko sa buhay mo.

Ngunit sa paglipas ng mga araw at linggo
Muli mong ipinaramdam sa akin ang takot na dati ay nadama ko.
Ipinaalala mo sa akin ang dahilan kung bakit kita piniling iwan noon
Ipinaalala mo sa akin ang sakit ng kahapon.

Maaaring hindi mo sinasadya
Ngunit unti-unti nang napapalitan ng kaba ang dating saya
Kaba na baka makahanap ka ng iba
Kaba na baka ako’y mawalan ng halaga.

Sa paglipas ng mga araw
Kaba ang mas nangibabaw
Lalo pa’t nagpapakita ka na ng mga palatandaan
Na ako’y malapit mo nang iwan at ito’y kailangan ko nang paghandaan.

Hinintay kitang sabihin ang mga katagang “Ayoko na, tama na.”
Pero wala akong narinig sa ‘yo ni isang salita.
Pakiramdam ko tuloy ay hinihintay mo pang ako ang sumuko
Pakiramdam ko ay gusto mong ako ang magsabi ng mga katagang ‘yan sa ‘yo.

Dahil sa pakiramdam na hinihintay mo na lang na ako ang sumuko,
Kahit mahirap ay tinapangan ko.
Naglakas-loob akong sabihin sa ‘yo ang talagang nilalaman ng puso
Naglakas-loob akong tapusin ang kung ano mang mayroon tayo.

Masakit man pero kailangan kong kayanin
Masakit man pero kailangan kong tanggapin.
Masakit, sobrang sakit na sa akin manggaling ito
Sobrang sakit na ika’y bitiwan ko.

Masakit pero kinakaya ko
Kakayanin ko sa pangalawang pagkakataon na paghilumin ang sugat na iniwan mo
Kakayanin kong muling bitiwan ang kamay mo
Kakayanin kong muling bumangon sa pagkakalugmok ko.

Nasaktan man ulit ako sa pangalawang pagkakataon
Pero wala akong pinagsisisihan sa aking naging desisyon
Nasaktan nga ako sa pagsugal ko
Pero naging masaya naman ako sa piling mo.

Naging masaya ako kahit sa maikling panahon sa piling mo
Naging masaya ako sa mga alaalang naipon na ikaw ang kasama ko
Masaya akong sinubukan nating pareho na ipaglaban ang salitang “tayo”
Iyon nga lang ay hindi tayo umabot sa dulo.

Sana sa ikalawang pagkakataong naging tayo,
Baunin na natin ang aral na idinulot nito
Ang aral na magiging gabay upang huwag na nating ipilit ang salitang “tayo”
Dahil kahit ilang beses pa tayong sumubok ay kailanman ay hindi magiging tayo sa dulo.

06/13/19

Itong tulang ito ay para sa mga magkasintahang minsang nagkahiwalay ngunit muling nagkabalikan at sumubok na ayusin ang kung anong mayroon sila noon pero bigo.


PLAGIASRISM IS A CRIME!

Copyrights 2019 ©Thartzo9
All Rights Reserved.

A/N: Pa-thank you ko na po ito sa inyo. Hope you like it. And if you want more, you can go to my works and save my work entitled 'Poetry' on your library💓 I'm anticipating for your vote and comments there💗 Saranghae💖

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon