CHAPTER 68: The Deal

2.4K 42 0
                                    

MARY'S POV

I feel like I'm dying. Nanghihina na ang buong katawan ko. Wala na rin akong lakas na tumayo.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit hindi na lang din si kuya maging masaya para sa 'kin?

I want to die. Mas gugustuhin ko pang mamatay baka sakaling sa kabilang-buhay ay malaya na ako at wala ng kokontrol sa sarili kong buhay. I am desperate to be free. Kung pwede lang akong lumayas ay ginawa ko na. But I can't do that right now. I don't have much strength to do that. Para na akong nalalantang gulay, or worst, isang kandilang unti-unting nauupos.

I want to stop this. I want to end this. But how? Should I just end my own life? Should I? But I can't! I promised to him that I'll spend the rest of my life with him so I can't die. Not this early.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang pagkatok ng kung sino mang nasa labas. Wala na rin akong lakas magsalita pa kaya hinayaan ko lang ito at mas pinili ko na lang balewalain ito. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang iluwa ng pinto ang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko sa mga oras na ito.

"C-Chris?" halos pabulong na lang na sambit ko sa pangalan niya sa labis na panghihina ko.

Kung panaginip man 'to, ayoko nang magising. Mas gugustuhin ko pang manatali sa panaginip na ito kaysa gumising at mamulat sa realidad kung saan malabong magkapiling kami dahil sa pagtutol ni kuya sa relasyon namin.

"A-Anong gi-ginagawa mo rito?" nahihirapang tanong ko sa kaniya.

Nanatili lamang siyang tahimik. Hindi siya nagsalita. Diretso lang siyang nakatingin sa akin habang naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ko. Sinubukan kong tumayo sa pagkakahiga ko pero hindi ko magawa. Hindi na kaya ng katawan ko ang kumilos.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang nakahawak sa 'kin. Inalalayan niya akong makabangon at maingat niya akong isinandal sa headboard ng kama.

This is not a dream. It's real. Pero paanong nakapasok siya ng kwarto ko? Paanong nandito siya sa bahay?

"Pa-Paano ka nakapasok?" nahihirapan pa ring tanong ko dala ng kawalan ng enerhiya.

"Your brother let me in. He allowed me to see you," walang emosyong sagot niya na ikinasalubong ng kilay ko.

"Paanong—"

"Hush. Huwag ka ng magsalita pa. Save your energy. Ang mahalaga ay nandito na ako kasama mo," pagputol niya sa iba pang sasabihin ko.

Pinakatitigan ko siyang maigi pero wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

"Kumain ka na ba?" mayamaya ay tanong niya.

Bakit parang pakiramdam ko ay may problema siya? Ako 'tong walang kain at may iniindang sakit pero bakit parang mas siya pa ang walang lakas sa amin? Matamlay ang mga mata niya at malungkot ang boses niya. Kilalang-kilala ko siya kaya kahit pilit niyang itago ang emosyon sa mukha niya ay malinaw ko pa ring nababasa ang emosyong nasa mga mata niya na hindi niya kayang ikubli.

Marahan akong umiling bilang sagot sa tanong niya. Nakita ko kung paanong nag-iwas siya ng tingin nang makita niya kung paano ako nahihirapan na kumilos. Kahit ang simpleng pag-iling ay hirap pa akong gawin.

Ibinaling niya ang tingin niya sa side table kung saan nakapatong ang food tray na may mangkok na may lamang lugaw.

"You should eat," saad niya nang hindi pa rin nakatingin sa direksyon ko.

"No. Ayoko," mariing pagtanggi ko.

"Sige na. Kahit kaunti lang," pagpupumilit pa rin niya.

"I know what you did, Chris. At sinasabi ko sa 'yo, hinding-hindi ko kakainin 'yan," mariing wika ko.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon