CHAPTER 51: Her Partner

1.8K 45 0
                                    

SHEENA'S POV

Nang i-anunsiyo ng SSG president ang tungkol sa outing matapos ang aming pagtatanghal ay ginamit ko ang koneksyon ko para malaman ang bawat detalye nito. Hindi ko naman maiwasang mapuno ng excitement dahil sa mga nalaman ko. Limang araw ang itatagal ng outing na sobrang sulit naman talaga. Pero ang mas nakakapanabik sa lahat ay iyong mga palaro at kung ano-ano pang pakulong inihanda ng faculties sa tulong ng SSG officers. Isa pang inaabangan ko sa lahat ay ang pagpapares-pares at paggugrupo sa amin. Sana lang talaga ay si Peter ang makapareha ko at makasama rin namin sa grupo sina Mar.

Ngayon na ang alis namin pero wala pa rin sina Mar at Peter. Kanina pa ako palinga-linga sa paligid pero wala ni anino nila. Ano mang oras ay aalis na ang bus na maghahatid sa amin kaya hindi ko maiwasang mabahala na baka wala ng balak pumunta ang impaktang 'yon. Hindi na ako nag-aalala pa kay Peter dahil alam ko namang darating siya dahil hindi pa rin dumarating sina Chris katulad niya kaya malamang ay magkakasama sila.

Naagaw ang atensiyon ko ng tilian ng mga tao sa paligid ko na sinabayan pa ng mga bulungan sa paligd.

"Oh my gosh! Ang hot naman ni Kuyang Foreigner!" kinikilig na tili ng kung sinong malanding babae mula sa labas na nakalunok yata ng megaphone.

Dahil sa dugong tsismosa na dumadaloy sa katawan ko ay sinubukan kong sumilip sa bintana ng bus para tingnan ang sinasabi nilang foreigner na pinagkakaguluhan sa labas. Inis akong napairap sa hangin nang bigo akong makita ang kanilang pinagkakaguluhan sa labas. Masyadong maraming higad ang nakaharang at nagkukumpulan sa labas. Daig pa nila ang fans na handang makipagsiksikan makalapit lang sa tinitingala nilang artista.

"Taken na pala. Sayang naman," dismayadong sambit ng isa sa mga kaklase ko na lugmok na lugmok ang mukha nang bumalik sa loob ng bus.

"Wait. Is that Mary? The nerd who turned into a goddess?"

Agad namang naagaw ng hipon ang atensiyon ko kaya tuluyan ko nang inilabas ang ulo ko sa bintana para lang makita ko ang nangyayari sa labas pero bigo na naman ako. Natatakpan pa rin ito ng kumpulan ng mga babae.

"Yeah, it's her. But why are they together? Are they in a relationship?"

Awtomatikong umangat ang isang kilay ko nang mapagtanto ko kung sino ang pinagkalaguluhan nila. It's Ford. Paasa. Akala ko naman kung sinong artista.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pilit na nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tsimosa ng taon para lang makalapit sa malandi kong best friend. Nang sa wakas ay makalapit ako sa kanila ay agad kong binatukan si Mar.

"What the—"

Hindi na naituloy pa ni Mar ang kung ano mang sasabihin niya nang makita niyang ako ang bumatok sa kaniya.

Namaywang ako sa harapan ni Mar at pinaningkitan siya ng mga mata. "Impakta ka! Kanina pa kita hinihintay. Ba't ba ang tagal mo?" pambungad kong tanong sa kaniya sa iritadong boses.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagdaan ni Ford sa tabi ko para dalhin sa bus ang mga bagahe ni Mar.

"E ba't ka ba nambabatok?" iritang tanong ni Mar pabalik habang himas ang parte ng ulo niya na binatukan ko.

"E bakit ba kasi ang tagal mo?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"Bakit ka nga kasi nambabatok?" ganting tanong niya.

Aba 'tong impaktang 'to. Ano 'to? Walang katapusang batuhan ng tanong?

"E kasi nga ang tagal mo!" pasigaw kong sagot dahil sa inis ko.

"Ba—"

"Hey, stop it. You're getting too much attention," natatawang pag-awat sa amin ni Ford na nakahawak na sa siko namin ni Mar.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon