CHRIS' POV
Bago umuwi ay napagpasyahan ng buong klase at maging ng aming mga guro na dumaan sa isang beach resort para i-enjoy ang huling araw naming magkakasama sa outing. Panay ang linga ko sa paligid para hanapin si Mary pero hindi ko siya makita. She's nowhere to be found.
Napagpasyahan kong lisanin ang cottage na kinaroroonan ko para hanapin sana si Mary pero hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay agad na siyang nahagip ng paningin ko. Biglang nagtagis ang bagang ko nang dumako sa suot niya ang mga mata ko.
"What the heck!" Ilang beses akong napamura dahil sa suot niyang swimsuit. I never saw her wear such a daring outfit. I'm just glad that it's not a two piece for goodness sake. Kung hindi ay baka napasugod na ako sa kaniya nang wala sa oras para puluputan siya ng makapal na tela.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang suot niyang maxi skirt. She's together with Sheena but unlike her, Sheena is wearing a white boy shorts paired with a light blue frock tops.
Paalis na sana ako ng cottage para lapitan sina Mary at Sheena nang matigilan ako sa narinig kong usapan sa katabing cottage.
"Dude, chics oh."
"Woah! Ang kinis!"
Pasimple kong binalingan ng tingin ang lugar na pinagmulan ng boses na narinig ko at ganoon na lamang ang galit ko nang makita kong titig na titig sila sa direksyon nina Mary kaya malamang ay sina Mary ang pinag-uusapan nila. F*ck! Parang ang sarap manapak. Kapag ako hindi nakapagpigil, baka manghiram sila ng mukha sa aso.
"Bro, calm down," pagpapakalma sa akin ni Peter habang marahang tinatapik ang kanang balikat ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong kamao na mahigpit na nakakuyom. Kung hindi pa nagsalita si Peter ay baka pumutok na ang lahat ng ugat ko sa kamay sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kamao ko.
"Wala pa silang ginagawa, nagkakaganiyan ka na. Paano pa kaya kapag may ginawa na sila?" dagdag pa ni Stanley na bigla-bigla na lang din sumulpot sa tabi ko. Nakapako na rin kina Mary at Sheena ang tingin niya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.
"Nakita mo nang nagseselos 'yong tao, inaasar mo pa," natatawang saad naman ni Justin na nakaakbay na kay Stanley.
Kung pag-uuntugin ko kaya ang dalawang ugok na nasa kaliwa ko? Lakas ng topak e.
"Ano, bro? Gusto mo upakan na natin?" mayabang na tanong ni Ryan na panay na ang suntok sa isang palad niya gamit ang nakakuyom niyang kamao.
Hindi ko na pinansin pa ang kalokohan nina Ryan at mas pinili ko na lang na maglakad palayo sa kanila. Baka mauna ko pa silang masapak kapag hindi pa ako umalis.
"Oh? Saan ang punta mo?" takang tanong ni Stanley na salubong na ang mga kilay at kunot na kunot na ang noo nang balingan ko ng tingin mula sa likuran.
"I have to go somewhere," tipid kong sagot kay Stanley at tamad siyang kinawayan.
Hindi ko na hinintay pa ang ano mang sasabihin ni Stanley o ng kahit sino sa kanila. Agad na akong nagpatuloy sa paglalakad para lapitan si Mary bago pa siya matunaw sa lagkit ng tingin ng mga lalaking nasa katabi naming cottage na kulang na lang ay lumuwa ang mga mata.
"Mary, can we talk for a minute?" agaran kong tanong kay Mary nang makalapit ako sa kinaroroonan nila ni Sheena.
Tipid akong nginitian ni Sheena bago niya hinarap si Mary para magpaalam.
"Mar, doon na muna ako sa cottage," paalam ni Sheena.
"K. I'll be there in a minute," walang emosyong sagot ni Mary kay Sheena bago niya ako hinarap at binigyan ng malamig na tingin.
What's with her? Bakit parang bigla na lang siyang nag-iba? This is not her. She used to smile a lot when we were in the villa. But why is she back with her emotionless face and cold stare?
"Follow me," seryosong sabi ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakatayo at seryosong nakatingin sa akin nang diretso habang nakakrus sa dibdib niya ang kaniyang braso.
"Why should I?" nakataas ang kilay niyang tanong. "If you want to talk to me, go on. Talk to me, right here and right now," mariing sagot niya.
Napaisip naman ako sa kondisyong sinabi niya. Hindi ko siya pwedeng pagbigyan. Hindi kami pupuwedeng mag-usap sa mismong kinaroroonan namin. Masyadong maraming mga mata ang nakatingin sa amin at mga taingang nakikinig. Ang ano mang pag-uusapan namin ay dapat sa amin lang. Walang ibang dapat makarinig. I don't want anyone to interfere with what we are about to talk.
I took a deep breath before asking her a favor. "Can we talk in private?"
"Sorry but I don't have much time. If you have nothing to say, I'll go then." Umakto siyang aalis na pero bago pa man niya maihakbang ang paa niya ay agad ko siyang nahawakan sa braso niya para pigilan siya.
"What's wrong? May problema ba tayo?" I asked her with a confused look.
"What do you mean?" nakataas ang kilay niyang tanong sa malamig na boses.
"Why are you acting this way?" diretsahan kong tanong.
"Me? What's wrong with my actions? I'm just being me," kibit-balikat niyang sagot.
"No. This is not you." I tilted my head in contradiction to what she was implying. "You were different when were in the villa. That's why I was wondering why you are acting strange today."
"Look. This is the real me. I'm sorry for the confusion that I've caused. But what happened in the villa was just part of the show. Lahat ng 'yon ay palabas lang. I just obeyed Ma'am Alyson's request to us to work as one. But now that the outing is over, the show is over as well. No more pretentions. We're now back in reality. So if you may excuse me, I still have a lot to do." Basta na lamang siyang umalis at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.
Naiwan akong nakatulala at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. Palabas? Maaaring palabas lang ang lahat ng 'yon sa kaniya pero sa akin ay hindi. Alam ko sa sarili kong totoo ang lahat ng 'yon. Ramdam ko kung paano siyang nag-alala sa akin noong muntikan na akong malunod. At 'yon ang nagbigay sa akin ng lakas para ipagpatuloy ang nasimulan kong panunuyo sa kaniya. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan may pinanghahawakan na akong bagay na nagbibigay pag-asa sa akin para magpatuloy?
Her smiles that time were real and especially her concern. Naramdaman ko nang mga oras na 'yon na nag-aalala siya sa 'kin at mahal pa rin niya ako. She's only resisting her feelings for me because deep inside her heart, hatred prevail. And I'm willing to do whatever it takes to make that hatred vanish into thin air. Lahat handa kong gawin hayaan niya lang akong makapasok sa buhay at lalong-lalo na sa puso niya. She's worth fighting for. She's worth the wait and efforts. I will never get tired of loving her because she's my everything.
BINABASA MO ANG
The Revenge of a Nerd
RomanceMary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who never leave her side. She almost have everything-the beauty, the brain and the money. But despite of her almost perfect life, there's only o...