CHAPTER 10 - MEJO OK NA KAMI:))

415 7 2
                                    

CHAPTER 10 - MEJO OK NA KAMI

*****************

*STELLA’S POV*

Haay umpisa na ng araw ko bilang basurera ng school naghiwa-hiwalay muna kami nila Joy, Joan at Mica ewan ko kung saang college sila napunta..

 so what??? Mangongolekta lang e!! 1 WEEK lang ito!!

nandito ako ngayon sa hallway ng Department namin may hawak akong trash bag at pinupuntahan ko ang bawat basurahan para itaktak ang laman nun buti na lang dismissal na wala na masyadong students

may mga  dumaan sa gilid ko tao pero hindi ko sila pinansin

“ang ganda mo naman.. ayan pa oh” isang lalaking parang galing sa ilalim ng lupa ang nagsalita.

Ang panget niya kasi! Nilaglag niya yung plastic cup na pinaginuman niya sa sahig.

“ito pa oh” at nilaglag din ng mga kasamahan niyang engkanto yung mga kalat nila.

Anu ba to?? mga tao ba ito? O baka minumulto ako?!

Bakit ganyan itsura nila?

 NAGLIPANA PO ANG MGA MASASAMANG ELEMENTO SA DEPARTMENT NAMIN!!!

Para sa ikalilinis nang aming department pinulot ko isa-isa lahat ng pinaghuhulog nila. ilalagay ko na dapat sa trash bag pero nakita ko na tinapon din ng isa sa kanila yung laman nung hawak kong trash bag kanina..

Anu ba to?? bully session? Uso pa ba ngayon yun? Para silang bata!

“wala akong panahon makipaglokohan sa inyo bumalik na kayo sa ilalim ng lupang pinanggalingan niyo” kalmado kong sabi.

Pagpasensyahan na mga nuno po kasi ata sila sa punso..!

“Pre, bumalik ka na daw sa lupa.. muka ka daw engkanto!” yung isa

“anong ako?!! G*go ikaw daw yun!” yung ikalawa

“magdahan dahan ka sa pagsasalita mo kabago bago mo pa lang dito ah!” pikon na sabi nung isa.. dinuro-duro niya ko. Bale uhm apat talaga sila.. yung isa di masyado nagsasalita .. nakatingin lang siya sakin..

Ano ba tong mga to?! bakit ba extra pa sila sa storyang ito?!

“sige, padaan na marami pa kong gagawin” walang ganang sabi ko sa kanila. Para kasi talaga silang bata kung umasta naturingan pa man ding mga college students. Pinulot ko na isa isa lahat ng kinalat nila.. pinagmamasdan lang nila ako sa ginagawa ko..

maglalakad na ko patalikod nang hawakan ako bigla nung isa.. “wag ka munang umalis.. maglaro muna tayo” sabi niya sabay ngumiti ng nakakaloko.

“di na ko bata para makipaglaro sa inyo at di ako nakikihalubilo sa mga lamang lupang kagaya niyo”

Malapit na ko mapikon sa mga to! imbes na madami na ko nagawa!!!!

“palaban ka huh?!” hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko..

Lumapit pa yung ibang kasamahan niya sakin at pinalibutan ako..

Ano ba gustong laro ng mga to?? merry go round??!!

At  ang babaho nila!!! Bwisit!! Mga amoy lupa!!

“bitawan mo nga ko!!!” sigaw ko sabay tadyak doon sa lalaki napaatras naman yung mga kasamahan niya..

“walang hiya kang babae ka ah!!”

SUSUNTUKIN NIYA KO! GRABE NANAKIT SILA TALAGA NG BABAE!  HINAWAKAN NIYA KASI AKO E!

Looking Back (1&2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon