CHAPTER 13 – SENTIMENTAL VALUE
***********
*Stella’s POV*
Nandito kami ngayon sa bahay nina Ray and Lee para icelebrate ang Victory Party ng team. Andito kaming lahat sa sala, syempre hindi mawawala ang inuman na kanina pa inaasam-asam ng iba pang members.
“asan parents niyo?” Joy
Inilapag ni Lee sa sahig yung isang case ng beer balak ata magpakalunod ng mga to sa alak e?
“ahh.. wala nasa states sila.. next month pa balik” Lee
“ito na pulutan!!” si Ray na may dala dalang isang plato ng sisig at mga chichirya..
“wow ang dami namang pagkain! Ahihihihi” Mica na tuwang tuwa..
“hindi pagkain yan junk foods ang tawag diyan” Si Joan na kumuha ng isang bote ng beer doon sa case.
“iinom ka Bree??” Ray. Tumabi siya kay Bree
“oo bakit, may angal?” Pinapalis ni Joan si Ray at pinapalipat sa ibang upuan
“hindi naman hehe wag lang masyado madami Bree ah masama sa liver yan” Ray
“wala kang pakialam! Umalis ka nga dito!” mukhang asar na asar na si Joan
“ayoko nga.. hehe wala ng upuan e dito na lang ang bakante” Ray
Tumayo si Joan at umalis..
“Bree! Teka lang!” sinundan naman siya ni Ray.
Yung ibang member doon nag-iinuman sa labas bale kami na lang nila Joy, Mica, Lee at ni Zach ang natira. Nasa harapan ko si Zach at si Lee, katabi ko naman si Mica at si Joy nag-uusap silang dalwa, pero wala doon ang atensyon ko kundi nasa taong nasa harap ko.
Hindi ko pa rin malaman bakit ganun yung naging reaction niya kanina, at kung bakit kailangan niya pang hawakan ang kamay ko alam ko namang pumayag ako maging fake girlfriend niya ngayong araw na ito, pero wala naman si Steph kanina e si Enzo lang nandun pero bakit parang inis pa rin siya?
Nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya ng lihim. sunod sunod ang ginagawa niyang paginom sa beer na hawak niya at nakatingin lang din siya sa mga pagkaing nasa harap niya, pero makikita sa mukha niya na may iniisip siyang iba halatang apektado pa rin siya
Kinalabit ako ni Joy kaya lumingon ako at nakatitig lang sakin yung dalwa..
Ano problema ng mga to?? “bakit?”
“bakit may HHWT kayo kanina?” bulong ni Joy
“diba HHWW yun?” Bulong din ni Mica
Nagbubulungan lang kami baka kasi marinig nung dalwang lalaking nasa harap.
Lumingon si Joy kay Mica. “tangek hindi naman sila ng lalakad nung nagholding hands sila e kaya Holding hands while talking lang sila..”
“ahh Oo nga nuh? Talino mo Joy ah ahihihihi” Mica
Nakakatawa talaga tumawa si Mica pati mata tumatawa tapos kailangan talaga tinatakpan niya yung bibig niya pag tatawa siya? Nahiya naman ako tumawa sa harap nito
“wala yun..” wala naman talaga yun e.
“ows” tinitigan nila ko na parang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.
“ang ingay niyo” Zach
Napalingon kaming tatlo sa kanya.
“paki mo kuya??” Joy
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Teen Fictionhindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".