CHAPTER 23 - EVERY LITTLE THING HE DOES IS MAGIC
a/n:
OOOOOOOOPS!! ALAM KONG MATAGAL AHAHAHAHAHHA...
BASAHIN NIYO NA LANG ALAM KO NAMANG WORTH THE WAIT EE:)) AHAHAHAHAHA
ENJOY READING:))
*******************
*STELLA'S POV*
"WAAAAAAAH mama sasabog na utak ko kakaisip ng pwede ko gawin sa nalalapit na pag-alis ni Zach" nakapangalumbaba ako dito sa may kusina namin. Umagang-umaga pa lang ginising ko na si mama para manghingi ng opinyon para kahit papano naman mapasaya ko si Zach sa last day bukas, aalis na kasi siya sa isang araw tapos hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na gawin.. lagi na lang kasi siya ang nagpapasaya sakin, it's time na rin siguro na ako naman.. kaso kanina pa ko nag-iisip kung ano gagawin ko wala naman akong maisip..
"anak, bumili ka na lang ng something na magagamit niya doon sa States" suhestiyon ni mama..
"ayoko naman ng bibili lang ako ng gamit mama.. parang walang effort naman don"
"may effort kaya yon ate, syempre pupunta ka ng mall, maghahanap ka ng bibilin mo.. di ba effort tawag dun?" biglang sumulpot si Josh galing sa sala
"bat ba nandito ka? dun ka na nga lang sa sala, e ayoko nga ng ganun e" ayoko ng basta basta bili lang.. "pag sinabi kong effort.. yung tipong masasatisfied ako sa ginawa ko.. pag bumili lang kasi ako ng something.. parang wala lang" diba??
"edi ipagluto mo na lang siya anak" mama
bigla naman akong napaayos ng upo sa sinabi ni mama..
"si ate magluluto??? marunong ba yan??" diskumpyadong sabi ni Josh..
tinignan ko lang siya ng masama.."anong akala mo sakin walang alam na lutuin?? tsaka for your info, brother, marunong ako magluto, tinatamad lang ako minsan.." tumingin ako kay mama."mama maganda yung suggestion mo.. kaso di ko naman alam kung ano lulutuin ko sa kanya.. sa dami dami ng pagkain e"
"try mo kaya itanong sa kapatid niya kung ano paborito niyang pagkain ate" nakiupo na rin si Josh dito sa may dining table.
"si Joy?? walang alam yon.." feeling ko lang talaga walang alam yon sa paborito ng kapatid niya..
"edi tanungin mo si Jona.. mahilig magluto yon at alam kong alam nun favorite na pagkain ng mga anak niya" Mama
"oo nga noh mama!" bigla naman akong parang naexcite sa gagawin namin.. "sige po mama tatawagan ko lang si Tita Jona ah?? wait lang" tumayo na ko at nagpunta ako sa kwarto para kunin CP ko at tawagan si tita Jona..
*CALLING TITA JONA*
(Hello? Good morning)
"hello po tita Jona"
(Hello iha napatawag ka?)
"sorry po kung masyado maaga yung pagtawag ko, I just want to ask lang po kung ano po mga paboritong pagkain ni Zach?"
(why? magluluto ka for him, iha?)
"opo sana.. uhm parang mini party lang po bago siya umalis sa isang araw"
(oooohh.. I love it! A way to a man's heart is through his stomach.. very nice!)
eeeeh?? mas naexcite pa sakin si tita ah..
"hehe oo nga po tita ee"
(o sige may pen and paper ka na ba diyan?? madami dami ito)
"mayroon na po"
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Teen Fictionhindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".