******
Stella’s POV
Bakit ba naimbento ang calculus?! Kapag ba nagtrabaho ako magagamit ko to?!
Nakakainis halos dumugo na utak ko dito kakaaral pero wala talaga ako maintindihan! Ayoko na!
Hindi na tuloy ako nakasama sa lunch break nung tatlo kung bakit kasi kelangan ko pa magreport bukas T_T pwede naman kasing iba na lang e. Pwede naman si Emily and her frogs diba? ako pang dinudugo sa calculus ang naassign.
Ito ako ngayon, binubuno ang sarili sa pag-intindi ng pesteng calculus na to plus the fact that my stomach is growling! gutom na ko T_T
Sinubsob ko muna yung ulo ko sa libro. Papahinga lang ako saglit dahil nahihilo na ko kakaintindi. Dapat kasi di na lang ako sumama dun sa kumag na yun pumunta dun e, edi sana naaral ko pa to!
teka?
Alam ko na! paturo na lang ako kay Zach tutal girlfriend niya naman ako e. Di naman siguro tatanggi yun.. ^_^ tama! Para magkasilbi din siya kahit papano.
Kinuha ko yung CP ko at dinial number niya.
*calling KUMAG*
*riiinng* *riiing*
(oh?!)
Ganda ng welcome ah. Tsk. kung di lang kita kelangan.
“ahmm mine.. may ginagawa ka ba?” I used my very sweet voice.
(ano kelangan mo?)
Grabe naman to? kelangan kagad? Ganun ba ko kaobvious?
“ahmm.. ano kasi e.. ganito kasi yun”
(ibaba mo na nga yung phone mo. Mukha kang tanga)
a-ano?!
May narinig akong boses sa likod ko kaya napalingon ako..
“p-pano mo nalaman nandito ako?"
“malamang nagtanong ako kila Joy. Use your common sense taba!”
Ayan na naman siya sa “taba” niya!
Inirapan ko lang siya at binalikan ko na ulit yung inaaral ko pero ilang saglit lang naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at may inalapag na plastic sa may harapan ko
“kumain ka muna di ka pa daw kumakain” malumanay niyang sabi.
So ngayon concerned boyfriend ka? Pagkatapos mo ko sabihang taba!
“ayoko diet ako” kahit gutom na gutom na ko, kelangan ko pigilan baka asarin niya na naman akong taba! Nakakainis kaya! Di naman ako mataba ee..
Mamaya sabihan niya na naman akong MALAKI ANG BRASO KO (T_T)
*gru* gru* *gru* kaso ang tyan ko mukhang ayaw makisama:( Ngayon ka pa tumunog!! Masyado mo naman pinapahalatang gutom tayo
“iba ang sinasabi mo sa sinsabi ng tyan mo..” kinuha niya yung mga gamit na nasa harap ko at nilagay sa kabilang gilid niya. At ng wala ng gamit sa harap ko tsaka niya naman nilagay yung pagkain na inalis niya sa plastic
(_ _) pano ako makakatanggi? Isa sa mga favorite ko ang ansa harap ko ngayon
FRIED SIOMAI WITH JAVA RICE AT MAY SAWSAWANG TOYO NA MAY CALAMANSI/SILI/BAWANG!
o diba?? AMOY PA LANG ULAM NA! T_T
“kumain ka na nga! Naglalaway ka na oh!” tinignan niya yung inaaral ko habang abala ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Ficção Adolescentehindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".