CHAPTER 27 - BRILLIANT PLAN
A/N:
ehhh???? ngayon lang nakapagtype ahahahahahaha
sinabi ko naman sa inyong monday ako mag UUD diba ehehehehehe
ayown!!!! kiyaaaaah!!! thanks sa patuloy na pagsuporta sa LB guys!!!
sa mga walang sawa niyong votes and comments!!!
nag-uumapaw na naman sa tuwa ako!!!
********************
*JOY'S POV*
"Guys.. una na ko sa inyo ah?" Stella
kinuha niya na yung bag niya at nauna ng umalis.. lately, hindi sumasabay samin si Stella, she prefer to be alone at alam ko naman kung bakit.. ang dami na ring nagbago sa paligid ko lalo na sa ugali ni kuya at sa ugali ni Stella.. haaay
"sige girl. ingat ka ah?" mas maganda ng hindi muna siya sumasabay samin.. mas magagawa namin ng maayos yung plano..
nakalabas na si Stella.. inaantay na lang namin yung prof namin gawin yung pinapagawa namin.
"group of Ms. Emily and group of Ms. Joy, maiwan kayo" Prof. Velasquez
"whaaaat?!" Emily and the froggies
"huh?!" Joan
"mam bakit po?" Mica
wow.. best actress ang dalwa!! ahahahaha kung hindi lang talaga scripted to, iisipin kong totoo yung mga reactions nila.
"mam ano po gagawin namin??"
"may papasagutan ako sa inyong pito.. it's just an exam.. kelangan matapos niyo to ngayon din" Prof. Velasquez.. tumingin siya sakin, kaya nginitian ko siya..
"mam naman.. pwede bang sa susunod na lang yan??? bakit kami lang pito ang kailangan sumagot???" Emily
"kayo lang ang maaaring sumagot nito .. di bale, credited to sa subject niyo sakin kaya hindi niyo kailangan mag-worry.."
nice act prof!! credited???? talaga lang ah???
inabot niya na samin yung mga sasagutan.. so bale, kaming pito na lang talaga ang naiwan dito nagsagot.. tinignan ko si Joan at si Mica at sinenyasan na gawin na yung kelangan nilang gawin..
tinext ko na rin si Xander..
--------------------------
To: FAFA XANDER
nagpapatay na lang kami ng oras.. inaantay lang namin maubos lahat ng students dito sa building.. pwede niyo na rin simulan yung inyo
*message sent*
-------------------------
malaki matutulong samin ni Xander.
buti na lang talaga pumayag tong si Prof. Velasquez.. hindi naman namin inexplain sa kanya yung plano.. basta kailangan lang niya kaming bigyan ng magagawa after class.. close naman kasi kami kay Prof ee ^___________^
tinignan ko yung dalwa.. at nag thumbs up sila.. so it means, natext na din nila sina Lee at Ray..
ano ba tong binigay ni mam???
oooooohhhh... mukhang makatotohanan talaga ah???
masagot na nga lang.. nakakabored din mag-antay ee..
(after 1 hour and 30 mins)
natapos na din namin yung "exam" na binigay ni Prof. Velasquez.. pinasa na namin at ganun din sila Emily... mukhang badtrip sila dahil nasayang ang oras nila..
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Teen Fictionhindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".