CHAPTER 15 - A NEW FRIEND?

418 7 1
                                    

CHAPTER 15 – A NEW FRIEND

*********

*Stella’s POV*

Haay salamat natapos ko na din basahin yung bagong bili kong libro ni Nicholas Spark. Makapag FB na nga lang muna tutal wala namang pasok

May bagong friend request. “sino to??” dinecline ko dahil di ko kilala.

At ang dami ko pa ginawa. Nagtwitter, Nag IG,  finollow ko pa nga yung @20missymary e wattpad writer ata may-ari nun. pinafollow lang kasi sakin ni Joy. Ngayon nakatambay ako dito sa wattpad account ko, tinignan ko kung may nag-update

“Stella!” si mommy sumisigaw.

“po?” ang tagal naman ng silly second chance part 2, tagal ko inaabangan yun ee..

“bumaba ka saglit. May uutos ako”

Si mommy talaga “mamaya na nga lang ako magchecheck” pinatay ko na yung computer at bumaba na dumerecho ako ng  kusina, naabutan kong nagpreprepare si mommy.

Anong meron?? Bakit parang ang dami niya atang rekados???

“ma bakit po?”

May inabot saking papel si mommy.. “bilin mo nga lahat yan sa grocery, nakalimutan ko kasi” medyo madami dami yung nasa list ah..

“ano bang meron ma, bat parang ang dami niyo atang lulutuin?”

“dadating papa mo ngayon kaya dapat madami tayong lulutuin”

Kaya naman pala parang energetic at exited si mommy adating pala si papa Sa bagay miss ko na rin si papa nagkakausap lang kasi kami sa telephone.

“sige ma, alis na ko” kinuha ko yung susi ko at pinuntahan ko na si lili

“ingat sa pagddrive” paalala pa ni mama

**************

*GROCERY*

“hmmmm.. mushroom in can check, ham check, cheese check, evaporada check, pasta na lang pala kulang” chineckan ko lahat ng item na nabili ko na. Yes! Naeexcite ako kumain! Ngayon ko na lang ulit matitikman yung favourite kong carbonara ni mama.

“san ba banda dito yung mga pasta?” tulak tulak ko yung cart at hinahanap ko yung lugar kung saan makikita yung pasta.

“ayun!” sa wakas nakita ko na din..

Kahit anong pasta naman siguro pwede na diba? Ito pwede na to! May nahawakan akong pasta pero may isang kamay ding biglang humawak dun. Napatingin ako sa kasabay kong humawak..

“ikaw na naman?” lagi na lang ba kami magkikita accidentally

“ui stella kaw pala. nagrogrocery ka din?” si Lorenzo as usual nakangiti pa rin siya..

Ibang iba sa nakita kong Lorenzo na kausap ni Zach noon after ng game.

“hehe namamasyal lang ata ako?” di ba obvious?

“joker ka pala”

“joker? E hindi ka nga tumawa!” Loko din to e

“ahh excuse me kukuha ba kayo ng pasta o mag-uusap? Kasi ako kukuha e, nakaharang kayo”

May babaeng biglang lumitaw sa harap namin Enzo biglang parehas kami napabitaw sa pastang hawak namin hindi ko pala nabitawan

“sorry miss” Enzo

Kumuha na lang ako ng pasta at inilagay na sa cart ko. Sinamahan ako ni Enzo hanggang sa mapacounter na namin yung mga binili ko at binili niya.

“sorry nga pala sa inasal ko sa boyfriend mo last time na magkita tayo ah?” Enzo

Looking Back (1&2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon