CHAPTER 19 – THE END????
A/N:
Sa lahat ng bagay, sitwasyon o pangyayari may tinatawag tayong “wakas”..
Kelan mo ba masasabing tapos na talaga???
Pag wala ka ng pag-asa??
Pag sumuko ka na??
Pag nasaktan ka na??
Kelan nga ba talaga??
Mahirap alamin kung kelan nga ba ang WAKAS..
Lalo na kapag binibigyan ka pa ng isang panibagong araw ng Diyos para gawin ang mga dapat mong gawin..
Siguro malalaman mo lang na wakas na kapag PATAY KA NA:))
Teka lang, hindi pa to ending ah??? Malalaman niyo kung bakit THE END???? Ang title:))
Enjoy reading:))
********
*Stella’s POV*
Sana manalo sila ngayon..
“girl, dun na lang muna kami sa taas ah?” Joy
“sige, dito na lang ako..” kelangan ko asikasuhin si Zach..
Championship na kasi ngayon kaya punong puno ang buong Gym.. home court pa rin naman namin kaso parang natetense ako ngayon.. sana talaga manalo sila.. mas mukhang kinakabahan pa ko kesa sa mga player namin..
“Yow Stella bat parang hindi ka mapakali diyan?” Ray
“oo nga.. mas kinakabahan ka pa samin ah?” Lee
Itong kambal na to napaka at ease lang nila.. parang hindi sila maglalaro ahh
“galingan niyo ah?? Dapat ipanalo niyo!”
“oo naman! Kelangan talaga naming manalo.. may pustahan kami ni Bree e” Ray
Tumingin siya doon sa kinauupuan nila Joy at napansin kong nakatingin din si Joan samin..
Ano daw?? Si Joan nakikipagpustahan dito.?? Amoy malansang isda dito ah??
“Lee and Ray tawag na tayo ni coach” Zach
Papalapit siya samin pero ang seryoso ng mukha niya.. nagpaalam na sakin yung kambal kaya naiwan kaming dalwa dito..
Tinapik ko siya sa balikat niya.. “galingan mo captain ah?”
Ngumiti lang din siya sakin at ginulo ang buhok ko.. ang gwapo niya talaga lalo na pagngumingiti..
“oo naman para sayo..mine” (^_^) (*_*)
Pwede ba kong kiligin?? Haaayss wag ka naman masyadong ganyan Zach baka mainlove na talaga ako sayo..!!
“sige na dun ka na..magsstart na kayo” tinaboy ko na siya baka kasi di ko na siya paalisin e..
“sige..diyan ka lang ah?” bilin niya pa..
Ano ba to?? mawawala ba ko?? tinanguan ko na lang siya...
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa pumunta siya doon sa mga kateam-mate niya.
Haaay.. naalala ko na naman yung gabing pumunta ako sa puntod ni Lexter.. inamin ko sa kanyang may nararamdaman na ko sa lalaking to.. pero I need time to figure out kung talagang mahal ko ba siya o masyado lang ako naattach sa presence niya..
Kelangan malinaw ko na sa kanya lahat ng nangyayari.. hindi ko rin kasi siya maintindihan e..
Bahala na!! First thing first..!! kelangan muna magfocus sa game..
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Teen Fictionhindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".