CHAPTER 3 - FACE OFF
A/N:
Sorry if ngayon ko lang po napublish because:
1. supeer pagod ako kahapon galing dance practice, no time to open fb and watty
2. dahil sa pagod ako, kahit naalala ko siya hindi ko talaga kinaya
^_^v peaceyow mga friends!!!
o siya...
SANA MAGUSTUHAN NIYO ITO:))
********************************
*Stella's POV*
*sigh* "ok.. bago tayo pumunta doon may kailangan ka munang malaman" Zach
kinabahan naman ako bigla sa sasabihin niya.
"anu yun?" napakaseryoso naman ng itsura niya
"simula pa lang nung una ayaw ko na ng plano ni Enzo.. pero dahil na rin sa ako lang ang naaalala ni Steph kailangan kong tumulong... ayoko sanang sabihin sayo ito, pero maniwala ka na ikaw lang mahal ko.. na kahit anong makikita mo doon lahat yon para sa ikakabuti lang ni Steph..ako lang kasi ang naalala niya at yung mga nakilala niya nung naghiwalay kami hindi niya na maalala, pati nakaraan niya hindi niya matandaan.. ako lang talaga ang natatandaan niya.." paliwanag niya
"m-may nakaraan kayo ni Stephanie?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya
"oo.. bago ka dumating sa buhay ko.. siya ang una kong girlfriend" Zach
naging sila pala?? baka naman kaya kami nag-away ni Stephanie kasi dahil sa kanya??
"wag mo pilitin sarili mo intindihin at isipin lahat.." napansin niya sigurong nahuhulog ako sa malalim na pagiisip
"huh?? ahhh.. sige.. sorry" tuwing may impormasyon kasi na nadadagdag lagi ko pinipilit isipin..
ngumiti lang siya sakin..
"pwede ba kong magtanong?"
"ano yun?" Zach
"a-alam mo ba kung bakit kami nag-away ni Stephanie?"
napaiwas siya ng tingin sakin.."dahil sakin"
lalo akong naguluhan.. pano?? inagaw ko ba siya kay Stephanie kaya naging sila ni Enzo?? pero hindi ee.... arrrgh!! naguguluhan na naman ako
"wag mo muna intindihin lahat sa ngayon.. ikaw na nagsabi na maalala mo din lahat" Zach
sa huli, sumuko din ako.. lalo ko lang pinapasakit ulo ko sa ginagawa ko..
"tara puntahan na natin siya"
----------------------------------------------
*DING DONG*
nandito na kami sa harap ng pinto ng condo ni Enzo.. dito daw dinala nila si Stephanie.. ayaw daw kasi nito mamalagi sa ospital, nung una ayaw niya daw dito sa condo ni Enzo dahil hindi niya kilala.. pero kinausap siya ni Zach na si Enzo ay kaibigan niya na mag-aalaga sa kanya dahil marami din siyang inaasikaso sa school at sa training niya.. nasabi niya din na, lagi siyang dumadalaw dito dahil yun ang napagkasunduan nila ni Enzo.. kaya din pala madalang ko siya makita sa school..
biglang bumukas ang pinto at mukha ni Enzo ang bumungad samin.. bakas sa mukha niya ang pagod..
"oh Zach and... Stella?? buti napadalaw ka?" mukang nagulat pa siya at napadalaw ako
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Fiksi Remajahindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".