CHAPTER 4 - BEST FRIEND

363 5 2
                                    

CHAPTER 4 - BEST FRIEND

A/N:

nagkaroon na ba kayo ng best friend??

yung tipong kukulitin ka hanggang sa mainis ka,

papakealaman gamit mo ng wala man lang paalam,

susupalpalin ka ng mga advices niya kahit masaktan ka pa pero alam mong tama,

kasama mo through thick and thin,

walang keme mang-asar sayo...

ahahahahaha... madami pang description sa "BEST" friend...

kaya nga "best" kasi rare lang sila :)) kumbaga, UNIQUE :))

anyhow, enjoy reading na lang po:))

***********************

*STELLA'S POV*

"salamat sa paghatid" tinanggal ko yung seatbelt ko at bumaba na rin.

Zach decided to go down as well.. gusto niyang siya mismo magbigay ng pasalubong niyang ice cream kay Tina..

nakatatlong doorbell ako sa may gate namin, and finally lumabas si mama at pinagbuksan kami

"finally you're here" mama exclaimed

nagulat ako sa biglaang pagsalita ni mama na parang kanina pa kami inaantay na dumating..

"why?" kunot noo kong tanong

ngumiti lang siya at tinignan si Zach na nasa likod ko "O, iho good evening"

"good evening po tita" bati naman ni Zach

"tara na sa loob..dali!!!" nagmamadaling sabi ni mama..

ano bang meron??? binilisan ko na rin lakad ko.. curiosity kills me..

naunang pumasok si mama at nanatiling nakatayo sa may gilid ng pintuan at hinayaan niyang bukas ito para makapasok kami..

when I stepped inside our house I was surprised..

"hi elai" sabi ng isang lalaking nakangiting tumayo sa pagkakaupo niya sa sofa namin and widely opened his arms waiting for me to hug him..

shocks!! is this really true???!! lumingon din ako sa katabi niya.. si papa na nakangiti din sakin at sa kabilang upuan naman si Josh at Tina..

atubiling nilapag ko yung bag ko sa upuan at niyakap siya.."Gosh!!! It's really you!! JJ!!!"

hindi nga ko nag-iilusyon lang.. totoo na ito!! si JJ nga itong kayakap ko!!! wow!!!

I heard him laughed "sino pa ba??? elai namiss kita!!!" at niyakap niya ko ng sobrang higpit..

yeah.. Elai ang tawag niya sakin simula pa lang pagkabata namin.. di niya kasi mabigkas dati ang pangalan ko..nung una Ela lang kaso  dahil sa lagi kami magkalaro at lagi niya ko nauutusan dati dahil nga mas matanda siya sakin naging "Ela alalay" tapos di nagtagal "Elai" na lang tinawag niya sakin.. tapos ako JJ naman kasi ang haba ng pangalan niya.. Jeremiah Joseph.. we grew up together, we play together.. since then, naging magbest friend kami not until his parents decided to migrate in US when he was 13 years old.. tapos nun nawalan na kami ng connection.. tapos ngayon, hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko!!! wow talaga!!

I gently pushed him away "buti di mo pa ko nakakalimutan!!" pinalo ko siya sa braso niya.

"ow!" napahawak naman siya sa braso niya.. "until now, you're still a sadist.. that's a warm welcome for your best friend huh" He said sarcastically

Looking Back (1&2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon