CHAPTER 18 - BIRTHDAY CELEBRATION
"KALIMUTAN MO NA LAHAT WAG LANG ANG ARAW NA PINANGANAK KA"
- missy
-------------------
*STELLA'S POV*
ang pinaka-aantay kong araw... nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.. napatingin naman ako sa bintana ko, nakataas na para yung kurtina.. si mama na naman ang nagbukas niyan.. gusto ko pa sanang pumikit at matulog pero naagaw ng pang-amoy ko yung naamoy kong pagkain..
teka?? *sniff*sniff* amoy garlic bread.. tapos...
minulat ko na yung mata ko, then napaupo ako at napatingin sa study table ko..
hala!! may tray ng pagkain..!!!
lumapit ako doon.. bigla naman akong nagutom sa nakita ko..
di ka ba naman maglalaway sa.. beef tapa na may garnish pa ng repolyo at ng kamatis samahan mo pa ng spinach ham and egg omelet tapos may freshly squeezed orange juice pa na kasama then ang pinaka favorite ko sa mga nakahain ang java rice with garlic bread!!
grabe!!! umaga pa lang swak na swak na ko!! birthday ko nga talaga..
naagaw din ng attention ko yung 4 letters na nasa tabi ng tray at isang tangkay ng red rose na may kasamang CD.. tapos may note pa na kasama..
---------------
enjoy your breakfast in bed!
-mama
--------------
ang sweet talaga ni mama..!! kinuha ko naman yung apat na letters..
wow.. natouch naman ako dun..
puro mga letters ni mama, papa, Tina at Josh..
mamaya ko na lang nga babasahin.. sinalang ko naman sa CD player ko yung CD..
nagmumugmog muna ako then naghilamos bago kainin yung nakahain sakin..
"happy birthday to you! happy birthday to you! happy birthday, happy birthday!! happy birthday to you!.. " kumakanta sila mama, papa, Tina at Josh..waaaah di ko mapigilang di mapangiti..
umupo na ko sa may study table ko at sinimulan na kumain habang pinapakinggan pa yung iba pang sasabihin..
"anak wag ka ng magulat kung wala kami sa bahay.. may pinuntahan lang kami saglit..enjoy your day anak.." si mama yun..tapos na yung CD.. mukhang yun lang yon..
eeh?? napatigil naman ako.. hindi nga?? kaya ba may ganitong kaek-ekan si mama??
inubos ko muna yung pagkain..sayang ee.. after kong matapos dinala ko na ito sa kusina..
wow.. mukhang totoo ngang wala sila ah!! ang tahimik ng bahay..
nilapag ko sa sink at hinugasan ko yung pinagkainan ko bago ko libutin yung buong bahay.. chineck ko na mga kwarto walang tao, pati sa garden at sa likod wala din..
anu ba yan T_T akala ko pa naman magiging masaya birthday ko!! asan ba sila nagpunta at hindi ako sinama!!
umupo muna ako sa sofa para mag-isip kung saan sila pumunta..
pagtingin ko sa lamesita sa harap ko, may malaking box na nakapatong..may nakasulat doon na
"12:00pm I will fetch you.. wear this.."
binuksan ko iyon at bumungad saakin ang isang knee length halter dress na kulat white and pink at may kasama pang rose red stilleto sandals na may design na sexy strap charm..
BINABASA MO ANG
Looking Back (1&2) (COMPLETED)
Teen Fictionhindi humihinto ang buhay kapag may mga taong nawawala sayo.. just what other people say,"people come and people go".