"Juskolord naman! Makakamove-on din ako kay Tanner pramis! Wag mo lang akong gawing baliw!" tingala ni Maymay sa langit habang patuloy sa pagpapaligo kay Tantan.
"You're not crazy MM! It's me, Tanner!"
Napatingin ulit sya sa aso.
"Naman Lord eh! Nababaliw na nga yata ako! Naririnig ko na yung boses ni Tanner kay Tantan na kinakausap ako!"
nanlalaki ang matang nakatingin sya sa aso."I told you you're not crazy! It really is me MM! Will you stop soaping my hotdog!"
"Ay hotdog ni Tantan!"
Napatigil sya sa ginagawa at nagpalinga-linga sa paligid.
"Marco! Lumabas ka na dyan kung saan ka nagtatago! Hindi ka na nakakatuwa!" naniningkit ang matang inikot nya ulit ang paningin sa paligid.
Nagbabakasaling lalabas si Marco.
"Sino bang hinahanap mo? Nandito ako sa harapan mo MM!" salitang muli ni Tantan.
Pinilit wag pansinin ni MM ang asong nagsalita.
"Marco!!! Tigilan mo na sabi!" kinakabahan na sabi nya.
Nang walang Marco na lumabas ay tuluyan na syang natakot.
Tumayo sya at tumakbo papasok ng bahay.
Nakasalubong ni Elisse si MM.
"Ano ba yan May? Bakit tahol ng tahol si Tantan?"
"Ah eh... malamig kasi yung tubig!"
"MM! Where are you going?" hinabol sya ni Tantan sa loob ng bahay.
Nakita ni Elisse na basang-basa si Tantan.
"Hindi pa pala tapos maligo si Tantan, bakit iniwan mo?"
Nilingon ni MM ang aso.
"Ikaw na magtuloy magpaligo sa kanya! May nakalimutan pala akong bilhin sa grocery!"
Nagmamadaling pumasok ng kwarto si MM.
"MM! Don't leave me with her!" sigaw ni Tantan pero syempre kahol lang ang naririnig at naiintindihan ni Elisse.
Hinawakan nya ang leash ni Tantan.
"Halika na nga! Ako ng magpapaligo sa'yo! At mukhang sinusumpong na naman yung nanay mo!"
"No! Ayokong ikaw ang magpaligo sa akin!" pagproprotesta ni Tantan.
Pilit syang kumakawala kay Elisse.
"Ano bang problema nyong magnanay at mukhang pareho kayong may sumpong?"
Hinila na sya palabas ni Elisse kahit na hirap na hirap ito.
Pagkarating sa hardin ay sinabon agad sya ni Elisse.
"Don't you dare touch my hotdog!" sigaw ni Tantan.
Ang likot-likot nya habang pinapaliguan ni Elisse.
Dahil nahihirapan ay binanlawan na lang sya agad ng dalaga.
"Thank God!" sabi ni Tantan.
"Next time hindi na talaga kita paliliguan! Ang ingay mo na nga, ang likot mo pa!" habang pinupunasan nya ng towel ang aso.
Nagshake ito ng katawan kaya nabasa si Elisse.
"Nakakainis ka na Tantan!" at iniwan nya na ang aso sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...