Masayang masaya si EJ at MM sa picnic date nila.
At in fairness naman kay EJ ay hindi nito hinayaan na maOP si Tantan.
Nakipaglaro sya dito.
Sa tuwing hinahagis ni EJ ang bola ay hindi mapigilan ni Tantan ang sarili na kunin ito at ibalik kay EJ.
Hindi tuloy alam ni MM kung matatawa sya o maaawa kay Tantan.
Masaya syang pinagmamasdan ang dalawang mahal nya.
Si EJ na boyfriend nya na ngayon at si Tantan na aso nya.
Hindi nya akalain na magkakasundo silang dalawa.
Sana nga lang kapag wala na si Tanner sa katawan ni Tantan ay ganun pa rin sila ni EJ.
Lumapit na si Tantan sa kanya.
"I'm tired MM! Please tell EJ to stop throwing the ball already!" pagmamakaawang tahol nya sa dalaga.
"Sige na nga!" natatawang sagot nya rito.
Nang lumapit si EJ ay kinuha nya na ang bola rito.
"Tama na mine! Pagod na kayong pareho ni Tantan!" awat nya sa binata.
"Oh okay!" at tumabi na ito sa dalaga.
"Pawis na pawis ka na o!" at pinunasan nya pa ang pawis ng binata sa mukha.
Habang si EJ naman ay ngiting-ngiti lang habang nakatingin sa kanya.
"I'm sweaty too!" tahol ni Tantan.
Napatingin si EJ kay Tantan.
"I think he's thirsty!" tukoy nya kay Tantan.
"I said I'm sweaty not thirsty!" tahol sa kanya ni Tantan.
"I'll get him some water!" at pinainom nya nga si Tantan.
Ayaw man ni Tantan uminom ay nauuhaw na ang aso kaya wala syang nagawa kundi ang uminom.
Pinipigilan tuloy ni MM ang matawa dahil alam nyang mali ang pagkakaintindi ni EJ sa tahol ni Tantan.
Niyakap sya ni EJ.
"Happy?"
Tumango si MM.
Hindi nya inakala na magiging ganito sya kasaya sa pagdating ni EJ sa buhay nya.
Napatingin sya kay Tantan.
Nagpapasalamat sya dahil bumalik si Tanner sa katauhan ni Tantan at nakapag-usap sila.
Speaking of Tanner, napaisip tuloy syang bigla.
Ngayon na sila na ni EJ, tuluyan na kayang makakatawid sa liwanag si Tanner?
Napatingin rin si EJ kay Tantan.
"Alam mo, minsan nagseselos na ako kay Tantan!" bigla ay sinabi ng binata.
Napatingin naman bigla sa kanya si MM.
"I know he's your dog but I can't help it! I'm jealous of everyone who steals your attention away from me!"
"Pareho lang kayong seloso!" natatawang sabi ni MM sa kasintahan.
Hinawakan nya ang mukha ni EJ.
"Pero naiintindihan mo naman di ba?"
"Oo naman! Mabuti na rin siguro that I have a dog kaya naiintindihan ko."
"Sana mameet ko rin si Coreen balang araw!"
"Speaking of Coreen! My parents and my sister are coming here to attend Hope's wedding and they decided to take Coreen with them!"
"Talaga?!? Wow!"
"Bakit ganun? Bakit ako biglang nalungkot? Buti pa si Hope kilala ng buong pamilya nya." bulong ni MM sa isip.
"I'll introduce you to them! I'm sure they'll love you!" pagaassure ni EJ sa kanya.
Tumango sya kay EJ.
"Magustuhan kaya nila ako eh dyosa ng kagandahan yung ex-girlfriend mo na best friend mo pa?" tanong ni MM sa isip nya.
"What's wrong mine?" tanong sa kanya ng binata.
"Wala naman EJ! Pagod lang siguro ako! Tara uwi na tayo!" at tumalikod na sya sa binata.
"EJ?" takang tanong ng binata sa kanya.
Pinilit syang paharapin ng binata.
"Come on mine! Did I say something wrong? Akala ko magiging masaya ka na ipapakilala kita sa family ko!"
"Masaya naman ako EJ!" pilit na iwas nya sa binata.
"Really? Then why do you keep calling me EJ? Asan na yung mine?"
"Masaya ako mine! O ayan okay na ba mine?" pilosopong sagot nya sa binata pero hindi pa rin tumitingin dito.
"Look at me mine! Tell me what's wrong. Bakit pakiramdam ko may nasabi akong mali?"
"Wala mine! Wala! Ako lang 'to okay? Nagseselos ako dahil naunang makilala ni Hope ang pamilya mo!"
"Don't be! I'll tell you a little secret." he held MM's chin to face him.
"Ano yon?"
"I've actually told them about you already and they are excited to meet you especially my sister!"
"Hindi mo kailangan magsinungaling EJ."
"I'm not lying mine! I told them about this crazy beautiful woman that I met on my first day here!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...