MO Chapter 14

1.1K 138 27
                                    

Naglakad lang sya papunta sa tinutuluyan ni EJ tutal malapit lang naman.

Nang marating nya ang apartment ay nagdoor bell na sya.

Agad rin naman syang pinagbuksan ng binata.

"Tara?" aya nya sa binata.

Maaga pa naman pero gusto nya sanang makapag-ensayo muna bago ang gig nila.

Nakatulala ito sa kanya.

Nakaramdam tuloy sya ng pagkahiya sa paraan ng pagtitig nito.

"EJ, tara na?" ulit nya dito.

Tumango lang ito ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Nailang tuloy sya at bahagyang inayos ang maikling palda.

Samantalang madalas naman ay ganun ang mga suot nya bilang vocalist ng banda nila.

She never felt conscious of her outfits before but the way EJ stared at her made her feel she's naked.

"Naglakad ka lang papunta dito ng ganyan ang suot mo?" seryosong tanong nito.

"Malapit lang naman tinutuluyan namin dito kaya keri ng lakarin." katwiran nya dito.

"Pasok ka muna sa loob may kukunin lang ako!" pumasok ito ulit sa loob ng apartment nya.

Nagtataka man ay hinintay na lang ni Maymay si EJ.

Paglabas ulit nito ay may dala ng jacket.

"Here! Wear this!" sabay patong ng jacket sa balikat nya.

"Hindi naman ako nilalamig EJ!" pagprotesta nya.

"Suotin mo na lang yan! Maglalakad lang tayo papuntang bar at ayokong may bumastos sa'yo! Baka mapaaway pa ako!"

"Shelemet!" pabebe ni Maymay with matching ipit ng buhok sa tenga.

"Let's go!"

At naglakad na nga sila papuntang bar.

Tahimik lang sila habang naglalakad kaya naman binasag na ni Maymay ang katahimikan.

"EJ...pwedeng magtanong?"

"Hmmm?"

"Paano kayo nagkakilala ni Tantan? Yung aso ko?"

"I was sitting at a bench in the park when he suddenly approached me. He seemed like a friendly dog." at nangingiti pa ito habang naaalala ang pagkikita nila ni Tantan.

Napansin ito ni Maymay.

"Mahilig ka sa aso?"

"I have one in Germany!"

"Germany? German ka?"

"Nope! I just live there with my family!"

"Pero mukha kang porenjer!"

"You mean I look like a foreigner!"

"Yun nga! Kapag nasa Pilipinas ka porenjer ang tawag dun!"

"Anyway, my mom is a Filipina while my dad is British!"

"British? Eh bakit sa Germany kayo nakatira?"

Hindi alam ni EJ kung bakit hindi sya naiinis sa kadaldalan ng babae.

"My dad works there!"

"Ah kaya pala! Ano'ng pangalan ng aso mo?"

"Coreen. She's a Labrador just like Tantan!"

"Wow! Talaga? Ang galing naman! Pareho pa pala tayo! May boyfriend na ba si Coreen? Baka pwedeng sila na lang ni Tantan!"

Napailing na lang si EJ sa kalokohan ni Maymay.

"Nandito na pala tayo! Tara na sa loob!"

"Maymay! Welcome back!" bati sa dalaga ng guard.

"Kuya Nonong! Kumusta?"

"Eto gwapo at macho pa rin!"

"Si kuya Nonong talaga joker!"

"Eh maiba tayo! Yan na ba ang ipinalit mo kay Tanner?" sabay nguso nito kay EJ.

"Ay oo sya nga!"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon