MO Chapter 24

1.1K 146 25
                                    

Dahan-dahan syang naglakad papunta sa pwesto ng dalaga.

Nakatitig lang sya sa mukha nito habang nakangiti.

Napapalunok naman si MM habang papalapit ng papalapit sa kanya ang binata.

Sobrang bilis ng tibok ng puso nya na parang gustong kumawala sa maliit na dibdib nya.

Hindi nya namalayan na nasa harapan na pala nya ang binata at sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya.

Napatingin sya sa labi nitong mapula at bahagyang napanguso sya.

Hindi nya namalayan na napapikit pala sya habang nakatitig sa mga labi nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nya namalayan na napapikit pala sya habang nakatitig sa mga labi nito.

Naramdaman nya ang hininga ng binata sa bandang tenga nya kaya para syang nakiliti.

Naramdaman nya ang hininga ng binata sa bandang tenga nya kaya para syang nakiliti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I found it!" bulong nito sa tenga nya.

Napamulat sya sa sinabi nito at nakita nyang may inabot ang binata sa likuran nya.

"This is what I'm looking for!" tuwang-tuwa na sabi nito.

"Yun lang pala! Akala ko ako na!" bulong nya sa sarili.

"How much is this?" tanong ni EJ kay Russell.

Hinayaan na ni MM na mag-usap ang dalawa.

Lumapit sya sa isang piano na naroon sa store.

Tinipa nya ang mga keys habang naghuhum.

Dati nya pang gusto matuto tumugtog nang piano pero pinigilan sya ni Tanner.

Hindi naman daw kasi bagay sa banda nila yon!

At may keyboardist na rin daw sila.

Nanghihinayang sya na hindi nya pinursue ang matutunan ito.

Pagkatapos bayaran ni EJ ang kailangan nya ay lumapit sya kay MM.

"You know how to play?"

Napatingin sa kanya si MM.

"Hindi! Pero gusto kong matuto!"

Umupo sa tabi nya ang binata at kinuha ang kamay nya.

Nagulat naman sya sa ginawa nito.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" pilit nyang binabawi ang kamay nya.

Pero hindi nagpatinag si EJ.

Mataman nitong pinagmamasdan ang kamay nya, lalo na ang mga daliri nya.

"Bagay sa'yo ang tumugtog ng piano! You have the hands for it!"

Nakangiting sabi nito sa kanya.

Hindi nila namalayan na lumapit din pala sa kanila si Russell.

"That's what I used to tell her before!" singit nito sa usapan nila.

Napatingin silang dalawa dito.

"Epal!" inis na bulong ni EJ sa isip nya.

"Alam mo naman na ayaw ni Tanner di ba?" sabi ni MM dito.

"So, now na wala na sya, pwede mo ng gawin ang gusto mo!"

"I can teach you if you want!" agad na pag-offer ni EJ kay MM.

Sa isip-isip nya baka mamaya maunahan pa sya ng epal na ito!

"Talaga EJ? Tuturuan mo ako?" natuwa naman ang dalaga sa alok ng binata.

"Mura lang naman ang singil ko!" pang-aasar nya sa dalaga.

"Bushak! Akala ko pa naman libre lang! Eh di kay Russell na lang ako magpapaturo, libre pa!" sabay irap nya sa binata.

"Kailan mo gustong mag-umpisa?" tanong ni Russell kay MM.

"I was just kidding! I'll teach you for free! I have a piano in my apartment that you can use anytime! Mas malapit pa sa apartment mo!" sunud-sunod na sabi ni EJ.

Kung bakit ba naman kasi biniro nya pa ang dalaga!

Mukhang masusulot pa tuloy sya nitong lalaking puro panga!

"Sigurado na yan EJ ha? Excited na akong matuto!" parang bata na tuwang-tuwa si MM.

Kaya naman hindi maiwasan ni EJ ang mapangiti sa nakikitang saya ng dalaga.

Hindi nya alam kung bakit gusto nyang mapasaya ito at makitang palaging nakangiti.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon