MO Chapter 68

980 124 22
                                    

Masaya silang umuwi pagkatapos ng picnic date nila.

Habang nagmamaneho ay hawak ni EJ ang isang kamay ni MM.

Pagkarating nila kanila MM ay ihinatid na muna sila ni EJ sa loob.

"Sige na mine uwi ka na! Alam kong pagod ka! Dami mong pakulo kanina sa picnic natin!" pagtataboy ni MM kay EJ.

"Teka lang mine! Wala bang goodbye kiss?" sabay nguso nito sa dalaga.

"Marunong ka pala magpaalam? Dati nung hindi pa tayo basta-basta ka na......" hindi na natuloy ni MM ang sasabihin dahil hinalikan na sya ni EJ.

Medyo tumatagal na ang halikan nila ng biglang tumahol si Tantan.

"Goodbye kiss lang ang tagal-tagal pa!"

Nangingiting naghiwalay ang dalawa.

"See you tomorrow mine! Susunduin kita bukas ha! Sabay tayong pupunta sa bar. " paalam na ni EJ.

"Shige I mean sige mine hihintayin kita bukas!" at sumakay na nga si EJ sa kotse at umalis.

Nakasunod naman si Tantan kay MM pagpasok sa loob.

"Can we talk?" tahol ni Tantan pagkatapat nila sa pinto ng kwarto ng dalaga.

"Sure!" at pinapasok ng dalaga si Tantan sa loob ng kwarto nya.

Hindi kumikibo na umupo si MM sa kama nya habang si Tantan ay pumuwesto sa sahig sa tapat nya.

Hinihintay nyang magsalita ito.

Tila pareho silang nagpapakiramdaman.

"Aalis ka na ba?" basag ni MM sa katahimikan.

"Boyfriend mo na si EJ so I think I'm finished with my mission already!"

"Pero masaya ka ba talaga?"

"I'm content to know that I am going to leave you in the good hands of EJ!"

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko Tanner."

"Did you know, earlier, when you were choosing a spot for the picnic, you unwittingly chose the spot where I was supposed to propose to you."

Nanlaki ang mata ni MM sa sinabi ni Tanner at napatakip sya ng bibig nya.

"I'm sorry! Hindi ko alam!"

"Then EJ asked you there to be his girlfriend!"

"That's when I knew!"

"Knew what?" putol ni MM.

"That it was meant to be!"

"It had to be EJ that I will find in the park."

"It had to be him who will replace our band guitarist."

"And it had to be him who will replace me in your heart!"

Hindi na nakapagsalita si MM sa mga sinabi ni Tanner.

Ano nga ba ang dapat nyang sabihin?

"Some things are just meant to be."

"Some people are meant to be a part of your life."

"And some people are meant to be just a memory.…."

"....like me!"

Hindi naman napigilan ni MM ang mapaluha sa huling sinabi ni Tanner.

"Don't cry MM! Alam ko naman na kahit mawala na ako ng tuluyan sa mundong ito ay hindi mo ako makakalimutan! I know that I have a special place in your heart and I'm content with that!"

Tumango naman si MM bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Tanner.

"Oo naman! Hinding-hindi kita makakalimutan Tanner! Nag-iba man yung klase ng pagmamahal ko sa'yo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kita mahal! You will always be my Superman!"

"But before I go, I want to tell you something that will help strengthen your relationship with EJ."

"Ano naman yun?"

"Always be honest with him about how you feel about things! Don't bottle it up inside your head! Speak what's on your mind especially when you feel hurt about what he says or does! Lalo na when it concerns his ex!"

"How do you know that?"

"You've always had a habit of walking away when you feel hurt! It used to frustrate me a lot when you wouldn't tell me what's wrong and you would just clam up. Kanina nakita kong ginawa mo yun kay EJ at ramdam ko yung frustration nya."

Hindi nakakibo si MM dahil alam nya sa sarili nyang totoo ang sinabi ni Tanner.

"Always tell him how you feel okay?"

"Okay!"

"Can I hug you for the last time?"

Walang sali-salita ay lumapit sya kay Tanner at niyakap ito.

Habang nakayakap sya kay Tantan ay ramdam nyang hindi na aso ang kayakap nya kundi ang dating kasintahan na si Tanner.

Nagulat pa sya ng biglang makakita sya ng kakaibang liwanag.

"It's here!" bulong ni Tanner.

Nakita nyang humiwalay ang kaluluwa ni Tanner sa katawan ni Tantan.

"Goodbye Mary Dale!" paalam pa nito bago tuluyang kunin sya ng liwanag.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon