"Oh bakit? May angal ka?"
"Wala noh! Congratulations! Pumayag kang manligaw sya... ibig sabihin okay ka na talaga! And I'm happy for you!"
Nakahinga naman ng maluwag si MM sa sinabi ng kaibigan.
"Eh sya ba totoong nakapagmove-on na sa ex nya?"
Nagtataka naman si MM na may alam si Elisse.
"Nabanggit ni McCoy dahil nabanggit din ni Marco sa kanya yung tungkol kay Hope." pagpapaliwanag nito.
"Hindi rin masyadong tsismoso mga lalaki noh?" sarkastikong sabi nya.
"Pero ano nga? Ayoko lang naman na gawin ka nyang rebound noh!"
"Nakapag-usap naman na kami tungkol sa ex nya at hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko naman na nakapagmove-on na talaga sya dun. Kaya eto... pumayag na akong makipagdate sa kanya at magpaligaw!"
"Siguraduhin mo lang ha! Anyway, manliligaw pa lang naman sya. Wag mong sagutin agad kahit na kilig na kilig ka na! Okay?"
"Shige!" pabebe nyang biro kay Elisse.
"Eh pero teka...hindi mo ba muna paliliguan si Tantan bago mo isama sa picnic date nyo ni EJ? Ang baho na kaya non!"
"Grabe ka kay Tantan! Pero tama ka dyan!" at nagtawanan na silang magkaibigan.
Lumabas ng kwarto si Elisse habang nagbihis ulit ng pambahay si MM.
Pagkatapos ay pinuntahan nya si Tantan para paliguan.
Nakita nyang nasa hardin ito.
"Tantan! Tara paliguan kita!"
"Why?" seryosong tahol nito sa kanya.
"Anong why? Ang baho mo na kaya!" sabay pisil ng ilong nya na tila nababahuan.
"Are we going somewhere?" tahol ulit nito.
"Eh hehehe...kailangan ba may pupuntahan tayo para maligo ka?"
"Are you trying to avoid my question Mary Dale?" seryoso na talaga ang tahol ni Tantan.
"Bushak kang aso ka! Nagnonosebleed na ako sa kaeenglish mo ha!" at hinawakan nya na ang collar ni Tantan.
"You are avoiding my question. Now come on tell me, I promise hindi ako magagalit." malambing na tahol ni Tantan.
"Eh kasi niyaya ako ni EJ na magpicnic tapos isama ka daw namin. You know, bonding bonding!"
"Ah.... okay!" at kusa ng lumapit si Tantan sa may paliguan nya sa hardin.
Sumunod naman sa kanya si MM.
"Yun lang? Okay lang? Sigurado ka?"
"Mary Dale...I'm already dead! And kahit na sabihin kong ayaw ko wala na akong magagawa. Tanggap ko naman na ang lahat. And I'm ready to move on. And you should be too! Don't worry about me anymore MM!" nakaluhod na sa tabi nya ang dalaga kaya nagawa nyang hawakan ang pisngi nito.
"I'll be okay! And I really hope that you will be too!" malambing na tahol nya sa dalaga na nagpaiyak naman dito.
BINABASA MO ANG
Moving On
أدب الهواةA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...