Nagsimula ng magset-up ang banda.
Binigay ni Marco kay EJ ang mga kantang tutugtugin nila.
Yung ibang request ng customer ay kakapain na lang ni EJ.
Nagvocalize lang muna si Maymay kaya hindi pa talaga narinig ni EJ ang singing voice nya.
Maya-maya ay nag-umpisa ng magdatingan ang mga customers.
Mostly magbabarkada ang mga naroon.
May mangilan-ngilang couples.
Nang mapuno na ang bar ay nag-umpisa na silang tumugtog.
"Good evening everyone!" bati ni Maymay sa mga ito.
Nagtinginan naman ang lahat sa kanya.
"Sa mga hindi pa po nakakakilala sa akin, ako po si Maymay!"
At ipinakilala rin sila isa-isa ng dalaga.
"For our first song, here's Two Less Lonely People in the World!"
Nang mag-umpisang kumanta ang dalaga ay natahimik ang lahat.
Nakatingin lang ang lahat sa kanya.
At isa na sa kanila si EJ.
Napakaganda ng boses ng dalaga.
Hindi!
Kung tutuusin ay maraming mas maganda pa ang boses dito.
Pero ang paraan ng pagkanta nito ang nagpapaiba sa kanya.
Ramdam na ramdam mo ang bawat linya ng kanta sa pagkanta nito.
Punong-puno ng emosyon ang boses ng dalaga at hindi mapigilan ni EJ ang humanga dito.
Titig na titig sya sa dalaga habang tumutugtog sya ng gitara.
Hindi naman nakaligtas kay Marco ang pagtitig ng kaibigan sa dalaga.
Napapangiti na lang sya.
Natapos ang kanta na nakatitig pa rin sya sa dalaga.
Nagpalakpakan ang mga tao.
"Nagustuhan nyo ba?"Umoo naman ang mga tao.
Si EJ naman ay hindi napigilang tumango rin.Napatingin sa kanya si Maymay at ngumiti ito sa kanya.
Nahiya pa sya ng marealize ang ginawa nya.
Nag-iwas sya ng tingin dito.
"Pag may request po kayo pakibigay na lang sa mga poging waiters namin at susubukan naming pagbigyan kayo!"
Sabi nitong muli sa audience.
"Here’s our second song!" At kumanta na ito muli.At sa pangalawang pagkakataon ay napanganga na naman sya dito.
He couldn't help himself.
Pagkatapos ng ilang kanta ay nagbreak na muna sila.
Lumapit sa kanya ang dalaga at bumulong."Kanina ka pa nakanganga!"
at hinawakan nito ang baba nya para isara ang bibig nya.
Napalunok naman sya sa ginawa nitong pagbulong sa kanya.Bakit ba bigla syang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan?
Tubig!
Kailangan nya ng tubig!
Naunang maglakad ang dalaga sa kanya.
Hindi sinasadyang napadako ang tingin nya sa pwet nito.
Ang pwet nitong nakahubog sa suot nitong makipot na palda.
Napahawak sya sa lalamunan nya.
Asan na ba yung tubig?
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...