Kasalukuyang ginugupitan ang buhok ni MM.
Kanina ng dumating sila ay tuwang-tuwa si Nikko.
"Naku gurl! Buti naman at lumabas ka ng kwebang pinagtataguan mo!" biro nito sa kanya pagkatapos bumeso.
Ngumiti lang si MM.
"Bumaba ka na ng bundok ibig bang sabihin... tapos ka ng magmukmok?" patuloy na pang-ookray nito sa kanya.
"Sana..."
"Anong sana sana! Dapat lang noh! Gurl sobrang tagal ng tegi ni Tanner kaya siguro naman okay na sa kanyang maghanap ka ng kapalit nya!"
Siniko ni Elisse si Nikko.
"Hayaan mo nga akong ireal talk tong baklang toh!" with matching irap kay Elisse at malanding turo kay MM.
"Ex boyfriend mo lang si Tanner gurl! Hindi kayo naging mag-asawa para umasta kang byuda! Uso move on!" sabay sabunot ng slight kay MM.
"Aray naman!" sabay hawak sa buhok na sinabunutan ni Nikko.
"Eto na nga o magmomove-on na! Kaya pagandahin mo na ako ulit!" at yumakap pa sya kay Nikko.
Kumalas sa yakap nya si Nikko na tila nandidiri.
"Bakla, parlor lang itong pinuntahan mo! Wala ka sa clinic ni Dra. Vicky Belo!" pang-aasar sa kanya ni Nikko.
"Grabe sya! Basta gawin mo na yung magic mo para bumalik na yung alindog ko!" at pumose pa sya.
Pumalakpak si Nikko.
"Bumalik ka na nga ulit bakla! Ikaw na nga yan!"
At nagtawanan na silang tatlo.
Nangingiti si MM habang naaalala ang usapan nilang iyon.
Tapos na syang gupitan kaya shinampoo na sya ni Nikko.
Personal pa syang inasikaso nito.
Narinig ni Nikko na bumukas ang pinto kaya napalingon sya.
Pumasok ang isang lalaki.
"Fafa!" tili nito at napasabunot pa sa buhok ni MM na shinashampoohan nya.
"Aray naman bakla!"
Naglapitan ang mga bakla sa lalaking dumating.
"Sir, ano pong kailangan nila?"
"I'm actually just looking for that dog's owner!" sabay turo nito sa asong nasa labas.
Nang humarap sya ulit sa mga bakla ay wala na ang mga ito.
"Ay nosebleed tayo dyan mga bakla!" narinig nyang sabi ng isa.
Napansin naman sya ni Elisse na kasalukuyang pinipedicure.
Tumingin sya sa asong itinuturo nito sa labas.
"Tantan?"
"You know him?" tanong ng lalaki ng mapansin na tiningnan nya ang aso sa labas.
"Actually he's my friend's dog!"
"Where's your friend?"
Kasalukuyang binabanlawan na ni Nikko si MM.
Itinuro ito ni Elisse.
"There!"
"Thanks!" at lumapit na ang lalaki kay Nikko.
"Is that dog yours?" tanong nito kay Nikko.
"Mahilig ako sa dog-style pero wala akong aso!" kagat-labing sabi nito sa lalaki.
"What the hell?"
"Ay englisher! What I mean is i love hotdogs but I don't have a dog!"
"That's it! I'm out of here!" akmang aalis na sya ng mapansin ni Nikko ang asong tinutukoy nya.
"Gurl! Si Tantan pala yung kasama ni Fafa!" baling nito kay MM.
Nakita naman ni MM sa labas si Tantan.
"Tantan?"
Bumaling sa kanya ang lalaki.
"Is he yours?"
Saka lang napatingin sa kanya si MM.
Saka napatulala sa kagwapuhan ng mala-anghel nitong mukha.
"Hish mine!" sabay sagot nya dito na tila ba bigla syang nagkaroon ng braces sa ngipin.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...