MO Chapter 50

1K 149 55
                                    

Nagkibit-balikat si EJ.

Pero bakas ang ngiti sa mga labi nya.

"I like her if that's what you're asking."

Napangiti si Hope.

"That's nice! From what Quen tells me, hindi sya mahirap mahalin!"

Tumango si EJ.

"Nakakatuwa syang kasama kahit na madalas sinusungitan ko sya." napapangiting sagot ni EJ.

"Alam mo if I didn't know any better I'd say you are starting to fall in love with her!"

Nanlaki naman ang mata ni EJ sa sinabi ni Hope.

"Me? Falling in love with her?" habang tinuturo ang sarili.

"That's impossible! I just met her you know!" pagtanggi ng bibig nya pero bakit ang bilis ng tibok ng puso nya?

"EJ.... Wala sa tagal ng pagkakilala yan! Minsan all it takes is a glance to fall in love!" sabi pa ni Hope na yumayakap sa throw pillow.

"But I don't believe in love at first sight!" pagproprotesta ni EJ.

"Just because you don't believe in it, doesn't mean it won't happen!"

EJ shook his head.

"Itulog mo na lang yan Hopia! Inaantok na rin ako! I assume you are not going home right?"

Tumango si Hope.

"Alam ni Quen na pinuntahan kita."

"Buti pinayagan ka? I'm still your ex boyfriend you know!"

"May tiwala sya sa akin! And he knows that he can trust you too to do the right thing!" nakangiting sabi ng dalaga.

Tumayo na si EJ.

"You can sleep in the spare room over there!" turo nya habang papunta na sa kwarto nya.

"Wait!" hinabol sya ni Hope at niyakap sa bewang nya.

Nagulat si EJ kaya tila nabato sya sa pwesto nya.

"Thank you EJ! I'm glad we're okay now!"

Kumalas sya sa yakap ng dalaga at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"I'm happy too that we're okay! Don't worry I'll be your best man at your wedding and that's a promise!"

"Good night EJ!"

"Good night Hopia!"

At pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto.

Kinabukasan ay maagang nagising si Hope.

Naghanda sya ng makakain nila ni EJ bago sya umalis.

Pakanta-kanta pa sya habang naghahanda ng makakain.

Kagabi bago sya matulog ay tinawagan nya si Quen para sabihin na pumayag si EJ na maging best man nya.

Excited na rin syang makilala si MM.

Base kasi sa mga kwento ni Quen sa kanya ay mukhang magkakasundo sila.

Eto rin ang balak nilang kunin na singer sa wedding nila at alam nyang nabanggit na ni Quen ang tungkol doon sa dalaga.

Patapos na sya ng lumabas ng kwarto nya si EJ.

"Good morning! Ay mali tanghali na pala!" masayang bati nya sa binata.

"Bakit nag-abala ka pang magluto?"

"Eh kasi po ayokong umalis ng gutom kaya ako nagluto ng makakain! Feeling mo naman dahil sa'yo kaya ako nagluto!" pang-aasar nito sa kaibigan.

Dumampot ng hotdog si EJ at kumagat.

"What time ka aalis?" tanong nya sa kaibigan.

"Grabe! Pinapalayas mo na agad ako? Anyway, pagkakain aalis na ako at marami pa kaming aasikasuhin ni Quen for the wedding!"

"Mabuti naman kung ganun!" habang pumuwesto na sya para kumain ng niluto ni Hope.

Habang kumakain sila.

"Sigurado kang pakakasalan ka ni Quen?"

"Oo naman! Why do you ask?"

"Eh kasi scrambled egg lang hindi ka pa marunong magluto!" sabay tawa pa  ni EJ.

"Ang sama mo!" pero tumawa rin si Hope.

At nagpatuloy na sila sa pagkain.

Pagkatapos ay sinabi ni EJ na sya na ang magliligpit ng pinagkainan nila.

"Ikaw na talaga dapat dyan at maliligo na ako!" at tumungo na sya sa kwarto para maligo.

May sariling banyo yung spare room.

Patapos ng maghugas ng pinagkainan nila si EJ ng may kumatok.

Dali-daling pinunasan ni EJ ang kamay para buksan ang pinto.

Sigurado syang si MM yun kaya hindi nya maiwasan ang mapangiti.

Pagkabukas nya ng pinto ay bumungad nga ang dalaga sa kanya na nakangiti.

Saktong sigaw ni Hope mula sa  kwarto.

"EJ! Do you have a spare toothbrush that I can use?"

At unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ni MM.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon