Nagpaalam na si EJ na uuwi at hinatid naman sya ni MM sa gate.
Pagkaalis ni EJ ay pinuntahan ni MM si Tantan sa hardin.
Nakita nyang nakayuko ito sa damuhan.
Nilapitan nya ito.
Bumuntung-hininga si Tantan.
"May problema ba Tantan?" basag ni MM sa katahimikan.
Nang hindi sumagot si Tantan ay nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Sa tingin ko walang pag-asa na maging kami ni EJ."
Napaangat ang ulo ni Tantan at napatingin sa kanya.
"Why?" tahol ni Tantan kay MM.
"Ewan ko! Basta ramdam ko lang! Di bale, wag kang mag-alala! Okay naman na ako kaya sa tingin ko makakapunta ka na sa langit kahit hindi pa ako magkaboyfriend!"
Magkahalong lungkot at saya naman ang nararamdaman ni Tanner sa sinabi ng dalaga.
Umiling sya.
Hindi tama ang nararamdaman nya.
Kailangan nyang masigurado na makakapagmove-on na ang dalaga sa pagkawala nya!
Kung hindi si EJ ang magiging kapalit nya ay maghahanap sya ng iba.
Sigurado naman na may magkakagusto pa sa dalaga dahil hindi ito mahirap mahalin.
Ang totoo maraming gustong manligaw dito nung nag-aaral pa lang sila pero hinaharang nya ang lahat ng iyon!
Noong una ay nakababatang kapatid lang ang turing nya sa dalaga kaya nya ginagawa iyon.
Ngunit ng tumagal ay narealize nyang higit pa roon ang nararamdaman nya para sa dalaga.
Kaya inamin nyang may gusto sya rito.
Nagulat ang dalaga sa pagtatapat nya pero tinanggap naman nito ang pagmamahal nya.
Inaasar pa sya noon nila Mc Coy na wala na lang choice ang dalaga kaya sinagot sya dahil nga walang nakakalapit na manliligaw dito dahil sa pambabakod nya.
Madami syang plano para sa kanilang dalawa na hindi natupad dahil sa pagkamatay nya.
Alam nyang nahirapan ang dalaga sa pagkawala nya kaya gusto nyang maging masaya nang muli ito.
Kung hindi man si EJ ang nakalaan para rito ay sigurado syang meron pang iba!
Kailangan nyang mahanap iyon dahil yun ang misyon nya!
Yun ang kasunduan nila ng liwanag!
Lumapit sya sa dalaga at hinaplos-haplos ang buhok nito.
"Don't worry I'll find someone else for you!"
Tumingin sa kanya si MM.
"Salamat Tanner ha? Kahit patay ka na inaalala mo pa rin ako!" may tumulong luha sa mga mata ng dalaga pero agad nyang pinahid iyon.
Hindi nya alam kung bakit pero pakiramdam nya ay tanggap na talaga nya ang pagkawala ng dating kasintahan.
Ang totoo matagal nya ng tanggap iyon.
Natatakot nga lang syang mag-umpisa muli.
Na magmahal muli.
Kaya ikinulong nya ang sarili sa alaala ni Tanner.
Pero wala na syang magagawa pa sa pagkamatay nito.
Marahil ay hanggang doon na lang talaga ang love story nila.
Naisip nya bigla si EJ.
Hindi nya alam kung bakit pero may panghihinayang syang nararamdaman.
Naiisip nya na...
"Sayang crush ko pa naman sana sya!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...