Habang umiinom ng tubig si EJ ay nilapitan sya ni Marco.
"So, how's your first day so far?"
Nakatitig si EJ kay MM kaya hindi nya masyadong napansin ang tanong ni Marco.
Siniko ni Marco si EJ.
Saka lang sya tiningnan ni EJ.
"What?!" iritadong tanong nya sa kaibigan.
"Tinatanong kita kung kumusta ang unang araw bilang gitarista?"
"Okay naman so far!"
"Mukha nga!" at ngumiti sya ng nakakaloko kay EJ.
Bumalik ng tingin si EJ kung saan nakapwesto si MM.
May lumapit ditong customer na lalaki at may ibinubulong sa dalaga.
Nakangiti naman ang dalaga habang kinakausap ito.
Naiinis naman si EJ habang pinagmamasdan sila sa hindi nya maipaliwanag na dahilan.
Bumulong din ang dalaga sa customer at pagkatapos ay lumapit kanila Marco.
"What was that?" iritadong tanong ni EJ sa dalaga.
Hindi nya napigil ang sarili nyang magtanong.
"Huh?" takang tanong ni MM.
"What were you talking about with that guy?" salubong ang kilay na tanong nya sa dalaga.
Kahit nagtataka si MM sa paraan ng pagtatanong ng binata ay sinagot pa rin nya ito.
"Ah yun ba? May pakiusap kasi sya sa atin!"
"Ano yun?" si Marco na ang nagtanong kay MM.
Binulong ni MM kay Marco ang kahilingan ng customer.
Hindi mapigilang mairita lalo ni EJ.
Naiinis sya dahil nagbubulungan si MM at Marco.
Naiinis din sya sa sarili nya dahil hindi nya maintindihan kung bakit sya naiinis.
Pagkatapos magbulungan ng dalawa ay nagsalita si Marco.
"Kayang-kaya ni EJ yun!"
"Sigurado ka?" alanganin na tanong ni MM.
Tumango si Marco.
"Can someone please tell me what you two are talking about?" iritadong tanong na naman ni EJ.
"Sige na sabihin mo na sa kanya!" udyok ni Marco sa dalaga at iniwan na silang dalawa.
Ang akala ni EJ ay sasabihin lang ni MM sa kanya ang pinag-usapan nila ni Marco kaya ng lumapit sa kanya ang dalaga at bumulong sa tenga nya ay para syang naistatwa.
Ang bilis ng tibok ng puso nya.
"Request ng customer na kumanta ng Lucky ni Jason Mraz at Cobbie Caillat dahil magpropropose sya sa gf nya!" paliwanag ni MM sa kanya.
Nang hindi sya sumagot ay tinanong sya ulit ni MM.
"Okay lang ba sa'yo?" at sumenyas pa ng two thumbs up si MM sabay ngiti.
Ngiting nagpatunaw ng inis ni EJ at mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso nya.
"Do I have a choice?" ang kunwari'y pagsusungit na tanong nya sa dalaga para mapagtakpan ang bilis ng tibok ng puso nya.
"Pwede naman si Marco ang kaduet ko kaya lang sabi nya ikaw na lang daw!" paliwanag ng dalaga sa kanya.
"Pero kung ayaw mo wala akong magagawa!" at akmang lalakad na sya palayo kay EJ.
Pinigilan sya ng binata at sinabing...
"I'll do it! I'll sing with you!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...