Hindi na lang pinansin ni MM ang sinabi ni EJ.
Hindi naman totoo so bakit kailangan pa nyang mag-explain?
At mag-ano ba sila ni EJ para mag-explain sya dito?
Sa isip nya baka may sumpong si Mr. Sungit kaya ganun na lang ito sa kanya.
Pagkatapos nilang magrehearsal ay nagbihis na sya.
Ewan rin nya kung bakit sinunod nya ang sinabi ni EJ na magdala na lang sya ng pampalit.
Pagkakita ni Ford sa kanya pagkatapos nyang magbihis ay napasipol ito.
Na nagpalingon naman kay EJ.
"Sexy natin ah!" tukso ni Ford sa kanya.
Kunwari ay nagflip sya ng buhok at pumosing pa.
"Dati na!" sabay ngiti sa kaibigan.
At dumiretso na sya sa stage.
Bawat customer na madaanan nya ay napapatingin sa kanya.
Sanay na sya sa ganun kaya hindi na lang nya pinapansin basta ba hindi sya hihipuan.
They can look but they can't touch!
Nasalubong nya ang tingin ni EJ na matalim.
Salubong ang makapal na kilay nito na nakatingin sa kanya.
Ayaw nya magpaapekto sa pagsusungit nito sa kanya.
Ngumiti na lang sya dito at pumuwesto na sa harap ng mikropono.
Mangilan-ngilan pa lang ang mga customer pero nag-umpisa na rin silang tumugtog.
Yung saktong pangchill chill lang na songs.
Ramdam nyang kanina pa hindi inaalis ni EJ ang tingin sa kanya.
Nang matapos ang first set nila ay agad syang umalis ng stage at lumapit sa bar.
Humingi sya ng drinks kay Ford.
"Isang shot nga dyan ng paborito ko!"
"Sigurado ka?"
"Oo naman! Para namang hindi mo ako kilala!"
At tinagayan nga sya ng tequila ni Ford.
Akmang iinumin na nya ito ng agawin ng isang kamay iyon at biglang inumin.
"Hoy! Bakit nang-aagaw ka ng shot?"
Hindi sumagot sa kanya si EJ at nagkibit-balikat lang ito at umupo sa tabi nya.
"Napipi na yata sya sa tequila!" ang bulong ni MM.
Di bale na hihingi na lang ulit sya kay Ford.
Habang si Ford naman ay nakatingin ng pabalik-balik sa kanilang dalawa.
"Bigyan mo nga ulit ako ng isa pa!"
"Don't give her another drink." mariin na sabi nito kay Ford.
Hindi naman alam ni Ford kung sino ang susundin sa kanila.
Matagal syang nawala kaya hindi nya alam ang mga bagay bagay tungkol kay MM.
Kahit na sinabi nitong hindi nya jowa ang binata sa tabi nya ay bakit iba ang ikinikilos nito?
Ramdam nya ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya nakahinga sya ng maluwag ng may ibang customer na tumawag sa kanya at umorder.
Naiinis naman si MM sa pagsaway ni EJ kay Ford.
Hinarap nya ang binata.
"Ano bang problema mo kung uminom ako? Isang shot lang naman yun pamparelax!"
"Masama yun sa katawan mo." mahinahon na sagot ni EJ na hindi tumitingin sa kanya.
"Normal na yun sa nagtratrabaho sa ganitong lugar. Hindi naman ako magpapakalasing! Isang shot lang! Isa lang!"
Humarap sa kanya si EJ at akmang sasagot ito sa kanya ng may nagsalita sa likuran ni MM.
"So you're back!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...