"Who's Tanner?" tanong ni EJ ng marinig ang sinabi ng guard.
"Tanner! Her ex..." dali-daling tinakpan ni MM ang bibig ni Kuya Nonong.
"Si Tanner yung ex gitarista ng banda natin!"
"He is? But Marco told me that I'll be replacing a guy named Isaac!"
"Tama ka! Si Tanner kasi yung original na guitarist namin! Sya yung pinalitan ni Isaac na papalitan mo rin!" mahabang paliwanag ni MM.
"Anyway, tara na nga pumasok na tayo sa loob!" sabay hila nya sa binata.
Hindi naman na tumutol si EJ sa ginawa ng dalaga.
Bawat madaanan nila ay binabati ang dalaga.
"Welcome back MM!"
Na ipinagtataka naman ng binata.
Pero hindi sya nag-usisa tungkol dito.
Nang makita nya si Marco ay agad itong lumapit.
Akala nya sya ang lalapitan nito.
Pero kay MM ito lumapit at yumakap.
Nakita nyang parang naiiyak pa yata ito ng sabihin sa dalaga na, "I'm happy that you're back!".
Tumango lang si MM kay Marco.
Ano bang meron at kulang na lang ay may biglang lalabas na may hawak na cake para sa dalaga?
Pagkaisip nya noon ay sya namang labas ni Elisse galing sa kitchen.
May dala nga itong cake.
Kasunod nito si McCoy.
"Welcome back MM!" sabay na sabi nito na sya namang nagpalingon sa dalaga.
"Ay bongga! May pacake si mayor!" biro nito sa mga kaibigan.
"Masaya lang kami dahil nagbabalik na ang best vocalist ng banda natin!" si McCoy.
"Ang sabihin mo masaya ka dahil siguradong marami na naman tayong customers dahil kay MM!" sabi ni Elisse.
"Ehem ehem!" Papansin ni EJ sa kanila.
"At pawelcome na rin sa bago nating gitarista!" si Marco na saka lang nilapitan ang kaibigan.
"Welcome bro!"
"Thanks!"
"So.... shall we start getting acquainted?" tanong ni Marco at ipinakilala nya na si EJ sa iba pang tao doon.
Nakita nyang pumunta sa mini stage si MM at hinawakan ang bawat instrumentong naroon.
Pagkatapos ay hinawakan nito ang mikropono.
Tumayo ito sa harap ng mike stand at pumikit.
Hindi pa man kumakanta ang dalaga ay para na syang nahihipnotismo nito.
Kakaiba ang aura nito ng hawakan na nito ang mikropono.
Nakaramdam ng excitement ang binata na marinig ang boses ng dalaga na kumakanta.
Napansin naman sya ni Marco na nakatitig sa dalaga.
"Wait till you hear her sing!" sabi ni Marco sa kanya.
Saka lang sya bumitaw ng tingin sa dalaga.
Sya namang pagmulat ng mata ni MM.
Namiss ni MM ang pagkanta sa harapan ng audience.
"Practice na tayo?" aya nya kay Marco.
At nagsimula na nga silang mag-ensayo.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...