MO Chapter 23

1.1K 129 18
                                    

Hinawakan ni EJ si MM sa magkabilang braso at tiningnan ang dalaga sa mata.

"Look at me! I promise not to mention anything again about your you know what. Let's just forget about it okay? Kaya sana kalimutan mo na yun." pakiusap nya sa dalaga.

Nakita naman ng dalaga na sincere ito sa sinabi kaya kahit papaano ay nakahinga na sya ng maluwag.

Tumango sya sa binata bilang pagsang-ayon.

"O...o...okay!" nauutal pa na sagot nya.

"Mag-ingat ka sa kanya!" tahol ni Tantan sa kanya.

Lumapit si MM kay Tantan at bumulong.

"Okay na! Wag ka ng mag-alala!"

"So, let's go?" yaya ni EJ sa kanya.

"Bye, Tantan!" paalam ni EJ.

"Bring her back in one piece, you hear me?!?" tahol ni Tantan sa kanya na si MM lang ang nakakaintindi.

"Bushak ka Tantan!" bulong nya sa sarili.

At tumuloy na nga sila.

Sumakay sila sa kotse ni EJ.

Syempre inalalayan sya ni EJ bago ito pumuwesto sa driver's seat.

"Gentleman naman pala si Mr. Sungit!" bulong nya sa isip.

Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe.

Medyo inaantok pa si MM kaya napapapikit sya.

Napansin ito ni EJ kaya nakonsensya naman sya.

"Sorry if I disturbed your sleep."

Umayos ng upo si MM at pilit na pinalaki ang mga mata.

"Okay lang! Matagal na rin naman akong hindi nakakapunta sa mall kaya sumama na rin ako sa'yo!"

"Talaga? Salamat ha!" sinserong pagpapasalamat nya sa dalaga.

Ngumiti si MM sa kanya.

Natahimik ulit sila.

Malapit lang naman ang mall na pinuntahan nila kaya hindi na rin sila nakapag-usap ulit.

Pagkababa ng kotse ay pumasok na sila agad sa mall.

Dumiretso na sila agad sa music store sa pangunguna ni MM.

"MM?" bati ng lalaki sa dalaga.

"Russell?"

"Long time no see! Buti kilala mo pa ako?"

"Grabe! Syempre naman noh!"

"Ehem! Ehem!" singit ni EJ sa kanila.

"Russell, eto nga pala si EJ! Bagong gitarista namin!" pakilala nya sa binata.

At nagkamayan naman ang dalawa.

"Oo nga pala! I heard na bumalik ka na sa pagkanta! Glad to hear that!"

"Salamat!"

"Meron ba kayong..." singit na naman ni EJ sa kanilang dalawa.

Naiirita na sya dahil naiitsapwera sya sa usapan ng dalawa.

"Niel! Pakiassist naman si EJ!" tawag ni  Russell sa isang lalaki na naroon at bumalik ulit sa pakikipag-usap kay MM.

Lumapit naman yung lalaking tinawag nito kay EJ.

"Sir! Ano pong hinahanap nyo?"

Hindi sya pinansin ni EJ.

Sa halip ay nakatingin lang ito kay MM.

"Sya po ba yung hinahanap nyo?" pilosopong sabi nung Niel sa kanya.

Nang hindi pa rin sya pinansin ni EJ ay napailing na lang si Niel at bumalik na sa pwesto nya.

Naramdaman naman ni MM na nakatitig sa kanya ang binata kaya nilingon nya na ito.

Nang makita nyang nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay ay alanganin syang ngumiti dito.

Nawala naman ang inis ni EJ sa ngiti ng dalaga.

"Nakita mo na ba yung hinahanap mo?" tanong nya kay EJ.

Ngumiti si EJ sa kanya.

"I think so!" at tinuro nya si MM.

"A...a...ako?"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon