"I'll be the one in charge of finding you a new boyfriend!" confident na sabi ni Tanner.
"Bakit ikaw?"
"Of course I wanna make sure that he is good for you and at least better than me!"
Natawa si Maymay.
"Why are you laughing?"
"Aso ka na nga may kayabangan ka pa rin!"
"Well... I wouldn't want to be replaced by someone who's such a downgrade! That would be such an insult!"
"Hindi ka naman kaya mahirapan maghanap ng ipapalit sa'yo eh Superman ka nga di ba?"
Nilagay ng asong si Tantan ang kamay nya sa ilalim ng baba na tila nag-iisip.
"There's still a lot of superheroes in the Marvel and DC world you know!"
"Ano yun? Ang kilala ko kasi si Eugene ng Ghostfighter, Goku ng Dragon Ball at si Naruto!"
"Who the hell are those?"
"Ah basta! Ikaw na ang bahala maghanap ng kapalit mo!"
"MAY! Kakain na!" sigaw ni Elisse sa labas ng kwarto.
"Kakain na daw, tara na!" at tumayo na si Maymay para lumabas ng kwarto.
Pagkarinig ng pagkain ay kumawag-kawag ang buntot ni Tantan na tila tuwang-tuwa.
Nakita yun ni Maymay kaya lihim syang natawa.
Pumunta na silang dalawa sa hapag-kainan.
Nakalatag na ang pagkain at nakaupo na rin si Elisse.
"Hindi mo man lang ako tinawag para natulungan kitang maghain! Nakakahiya! Ikaw na nga nagluto, ikaw pa nag-ayos ng lamesa!"
"Ano ka ba naman May! Para yun lang! Umupo ka na dyan ng makakain na tayo!"
Umupo na nga si Maymay.
Umakyat si Tantan sa isang upuan at pumuwesto na rin.
"Hala! Ano'ng ginagawa mo dyan, Tantan?" takang tanong nito sa aso.
Tumahol sa kanya si Tantan.
"I'm gonna eat too! I'm hungry you know!" ang sabi nito na naiintindihan lang ni Maymay.
"May, yung aso mo!"
"Tantan....good boy ka di ba? Bumaba ka na dyan at kainin mo na yung food mo!"
Tumahol ulit ito.
"Why should I leave? There's the food!" sabay turo sa pagkain na hinain ni Elisse.
"Wag matigas ang ulo Tantan! Hindi yan pwede sa'yo!"
Tumayo si Maymay at hinawakan ang collar ni Tantan.
Bahagya nyang hinila ito para sumunod sa kanya ang aso.
Tinuro nya ang bowl na may dog food.
"There's your food!"
"I don't like that!" pero walang nagawa si Tanner dahil ng makita iyon ni Tantan ay kusa itong lumapit at nag-umpisang kumain.
"Good boy!" natatawang sabi ni Maymay. At umupo na rin sya para kumain.
Si Elisse naman ay nakangangang nakatingin sa kanya.
Nang mapansin nya ito...
"Huy! Pasukin ng langaw yang bibig mo!" at napangiti na lang sya sa itsura ni Elisse.Tumayo ito at hinawakan sya sa noo.
Manghang-mangha ito.
"Ano'ng ginagawa mo?"
Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat.
"Ikaw na ba ulit yan May?"
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"
"Tumatawa ka na ulit?"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...