MO Chapter 69

939 117 12
                                    

Nakaramdam si MM ng katahimikan ng kalooban sa tuluyang pagkawala ni Tanner.

May luhang tumulo sa mga mata nya ngunit hindi sya malungkot bagkus ay napakasaya nya.

Sana nga ay matahimik na ang kaluluwa ng dating kasintahan.

Nakatingin pa rin sya sa pwesto kung saan nya nakita ang liwanag ng maramdaman nya ang pagsiksik sa kanya ni Tantan.

Tumahol ito.

"Tara! Tulog na tayo Tantan!"

Natulog si MM nang mahimbing.

Makalipas ang ilang linggo ay dumating na ang pamilya ni EJ kasama ang aso nitong si Coreen.

Namimili ng isusuot si MM para sa family dinner na ihinanda ng parents ni EJ.

Aligaga sya dahil baka hindi sya magustuhan ng family ni EJ.

Palakad-lakad sya sa kwarto nya ng biglang tumahol sa kanya si Tantan na kanina pa sya pinagmamasdan.

Napatingin sya dito.

Tumahol ulit ito.

"Eto ang isusuot ko?" tukoy nya sa damit na hawak nya.

Tumahol ulit ito na tila sumasang-ayon sa napili nya.

Kahit na wala na si Tanner sa katawan ni Tantan ay nakasanayan na rin nyang kausapin ito.

Magbibihis na sana sya ng marinig nyang may kumatok.

"May, andito na yung sundo mo!" sigaw ni Elisse sa labas.

Binuksan nya ng bahagya ang pinto.

"Pakisabi sandali lang magbibihis lang ako!"

"Okay sige!"

Tumakbo na sya sa cr at nagmadaling magbihis.

Sandali lang syang nag-ayos.

Pagkalabas ng kwarto ay nakita nya agad si EJ na nakaupo sa sala.

Nakatalikod ito sa kanya at kausap si Elisse.

"Ayan na pala ang jowa mo!" sabay turo sa kanya ni Elisse.

Lumingon naman si EJ at tila slow motion na tumayo ito habang nakatitig sa kanya.

Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa.

"Okay lang ba?" tanong nya rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay lang ba?" tanong nya rito.

Tumango lang ito sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at humawak sa bewang nya.

"You look beautiful as always mine!" bulong nito sa kanya.

Pinamulahan naman sya ng mukha sa sinabi nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinamulahan naman sya ng mukha sa sinabi nito.

"Tama na muna ang kire at umalis na kayo!" saway sa kanila ni Elisse.

Natawa naman si EJ sa sinabi ni Elisse.

"Let's go mine!" at iginiya na sya nito palabas.

"Good luck May!" biro sa kanya ni Elisse.

Ngumiti lang sya dito kahit na ang totoo ay parang may mga bulateng nagrarambulan sa tiyan nya.

Para syang matatae sa kaba.

Nakaupo na sila sa kotse ay tahimik pa rin sya.

Hinawakan ni EJ ang kamay nya.

"Relax mine! I'm sure they'll love you like I do!"

"Sana nga mine!" mahinang tugon nya rito.

Nakarating sila agad sa apartment ni EJ.

Habang papalapit sila ng papalapit ay tila lalong tumitindi ang kaba na nararamdaman ni MM.

Binuksan na ni EJ ang pinto at iginiya sya papasok.

Napahigpit ang hawak nya sa kamay ni EJ.

"Mom! Dad! Lau! We're here!"

Hihimatayin ata sya sa sobrang kaba.

Lumapit ang isang babaeng napakaganda na halos kaedaran lang nila.

Hindi alam ni MM kung paano ito babatiin.

"Good evening po!" alanganin na bati nya rito.

Nagulat sya ng bigla sya nitong yakapin at halikan sa pisngi.

"I'm Laura! EJ's sister!" pagpapakilala nito sa kanya.

Ramdam nya ang mainit na pagtanggap nito sa kanya.

Mukhang okay naman ang pamilya ni EJ sa isip-isip nya ng makarinig sya ng malakas na boses ng isang may edad na babae mula sa kusina.

"Ikaw ba? Ikaw ba ang dahilan?"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon