"Let's go!" yaya ni EJ kay MM.
Hindi naman maalis ang ngiti ni MM dahil sa excitement nyang matuto tumugtog ng piano.
Nagpaalam na sya kay Russell.
Pagkalabas ng music store ay saktong tumunog ang tiyan nya.
Hinimas nya ito at nahihiyang ngumiti kay EJ.
"Gutom na yung mga alaga ko!"
Napangiti na rin si EJ.
"Tara! Anong gusto mong kainin? My treat sa pagsama mo sa akin!"
"Sa McDo na lang! Gusto ko ng chicken nuggets!"
"Okay, let's go!" at awtomatikong napahawak si EJ sa may siko ng dalaga para igiya ito papuntang McDo.
Parang nakuryente naman si MM sa ginawa ng binata.
Napakagat sya ng labi para pigilan ang kilig na nararamdaman.
"Bakit naman kasi basta-basta na lang nanghahawak ito?" napapatanong sya sa sarili.
Naramdaman naman ni EJ ang bahagyang pagkagulat ni MM ng hawakan nya ito sa siko.
Hindi naman nya alam kung bakit ginawa nya iyon.
Nagkusa lang ang kamay nya.
Nang makapasok sila sa McDo ay dumiretso na sila sa counter dahil marami namang bakanteng upuan.
"May iba ka pa bang gusto aside from the nuggets?" tanong ni EJ sa kanya bago umorder.
"Ikaw!" ang sagot ng malandi nyang isip.
"Ikaw?" ang sagot nya.
"Me?"
"I mean ikaw ang bahala!"
"Drinks?"
"McFreeze Dalandanen!"
"What's that?"
"Dalandanen na sasarapen!"
"You're talking in that alien language again!"
"Bushak! Hindi oy! McFreeze Dalandan flavor ang gusto ko!"
"Okay! Hanap ka na ng seats natin, ako na bahala rito!"
"Okay!"
Umupo na si MM.
Sakto naman na ang napuwestuhan nya ay yung madalas na pwesto nila nung sila pa ni Tanner na hindi nya sinasadya.
Yun lang talaga yung bakante.
Napailing na lang sya.
Hindi na talaga siguro maaalis sa ala-ala nya ang mga yun dahil naging bahagi ng buhay nya si Tanner.
Pero ayaw naman nyang isipin pa ang mga yun dahil bahagi na lang yun ng nakaraan nya.
Seryoso ang itsura nya ng dumating si EJ bitbit ang tray ng pagkain nila.
Hindi nya napansin na nakaupo na ito sa harapan nya.
"MM!" mahinang tawag ni EJ sa kanya.
Nakatingin sya dito pero parang hindi nya ito nakikita.
Nagtataka naman si EJ sa ikinikilos nya.
Inayos na nito ang mga pagkain sa harapan nila at inalis ang tray.
Napabuntung-hininga si MM at wala sa sarili na sumubo ng nuggets.
Naninibago tuloy si EJ dahil hindi sya sanay sa nakikita sa dalaga.
Napaisip tuloy sya.
Ilang beses na rin nyang naririnig ang pangalan na yun pero ayaw naman nyang mag-usisa kung sino iyon.
Pero mukhang kailangan na rin nyang alamin kung sino iyon.
"MM, who's Tanner?"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...