Halos kaladkarin ko si EJ palabas ng bar.
O di ba sa payat kong ito nakaya ko syang kaladkarin!
Hindi naman sya tumutol sa ginagawa ko.
Nang medyo nakalayo na kami ay saka ko lang sya binitawan.
Tahimik lang kami pareho habang naglalakad.
Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.
Ang alam ko lang gusto ko syang samahan.
Ano kayang nararamdaman nya ngayon?
Malamang hindi sya okay!
Sino ba naman ang magiging okay kapag nalaman mong malapit na palang ikasal ang ex mo?
Mukhang hindi pa naman sya nakakamove-on sa ex nya!
Napabuntong-hininga si MM.
Ano kayang pwede kong gawin para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob nya?
Pero teka!
Bakit nga ba masyado akong concerned sa kanya?
Siguro dahil alam ko ang pakiramdam ng isang tao na hindi makapagmove-on?
At isa pa, kahit sandali pa lang kami magkakilala at kahit madalas na sinusungitan nya ako, pakiramdam ko na mabuti syang tao.
Kaya lang siguro sya masungit dahil may pinagdadaanan sya!
Wala pa ring kumikibo sa kanilang dalawa.
Pasimple nyang tiningnan si EJ.
Nagulat pa sya ng makitang nakatingin rin pala ito sa kanya.
Napaiwas sya bigla ng tingin.
Narinig nyang bumuntong-hininga ang binata.
"I'm okay you know!"
Napatingin sya ulit dito.
Nakangiti ito sa kanya na tila ba nahihiya.
"But thanks for your concern!"
He ran his fingers through his hair then put his hands in his jeans' pockets.
Napatango lang si MM.
"Wala yun! Syempre tayong mga broken hearted dapat nagdadamayan tayo!" sabay akbay nya sa binata.
"Gusto mong sumama sa akin?" yaya nya sa binata.
"FYI! Just because I'm broken hearted doesn't mean I'll give my virtue to you!" at tinakpan pa nito kunwari ang katawan nya.
"Bushak ka! Wala akong binabalak na masama sayo noh!"
Natawa naman si EJ sa itsura nya.
"Where are you going to take me?"
"Sa lugar kung saan ako madalas noong brokenhearted pa ako!" at hinila na naman nya si EJ habang hawak ang isang kamay nito.
Hinayaan lang sya ulit ni EJ.
Napatingin ito sa kanya sa sinabi nya.
Nang makarating sila sa park ay pinaupo nya si EJ sa favorite bench nila ni Tantan.
Umupo rin sya sa tabi nito.
"So..." panimula ni EJ.
Nakatingala lang si MM sa langit.
"Ibig mong sabihin, hindi ka na brokenhearted ngayon?" mahinang tanong sa kanya ng binata.
Tumungo sya at tumingin sa may paanan nya.
Dahan-dahan syang tumango ng hindi tumitingin rito.
"Napagod na rin siguro ako. Kahit na kasi ano pa ang gawin ko hindi ko na maibabalik pa si Tanner. Kasi nga kinuha na sya ni Lord."
Napabuntong-hininga sya.
"At alam kong kahit nasaan man sya ngayon ay gusto rin niyang maging masaya ako!"
"Kaya nga sumanib sya kay Tantan para ihanap ako ng jowa eh!" bulong nya.
"What did you say?"
"Wala....ang sabi ko ihanap mo ako ng jowa! Baka naman may kakilala kang kasing-gwapo mo pero hindi kasing-sungit mo na pwede kong maging jowa?" at nagpacute pa sya sa binata.
"Sana kahit paano ay naibsan ko ang lungkot nya." naiisip ni MM.
"You're crazy you know that?" napapailing na sabi ni EJ pero hindi naman nya mapigil ang ngiti sa labi nya.
"Crazy? As in baliw? Tama ka dyan! I'm crazy for you!" pangungulit ni MM sa binata.
Tumayo pa ito bigla at kumanta.
"It's all brand new... I'm crazy for you...and you know it's true... I'm crazy crazy for you...." with matching dance moves pa sya.
Hindi na napigilan ni EJ ang sarili na matawa sa ginagawa ni MM.
"Thank you Lord for this crazy woman!" ang dasal ni EJ sa isip.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...