MO Chapter 6

1.2K 126 13
                                    

Niyakap ni Elisse si MM.

"Uy tama na! Nasasakal na ako!"

Tumigil naman si Elisse at bumalik na sa pwesto.

"Masaya lang ako!"

"Eh bakit para kang naiiyak?" nangingiting tanong ni MM sa kaibigan.

"Eh kasi naman May, tagal ko ng pinagdadasal na makita kang masaya ulit!"

"O sya tama na ang drama! Kumain na tayo!"

Nagpunas ng luha si Elisse at nag-umpisa na ring kumain.

"Sya nga pala, El...pwede mo ba akong samahan sa parlor?"

Nabilaukan yata si Elisse sa narinig.

Uminom ito ng tubig bago sumagot.

"Sige sige sige! Sasamahan kita!" sunud-sunod na sabi nito.

"Gusto kong magpaganda bago ako bumalik sa bar."

"Sa...sa...sa bar?" nauutal na sabi ni Elisse.

Tumango si MM.

"Yup! Sa bar! Balita ko kasi umalis na naman yung vocalist ng banda namin kaya baka pwedeng ako na lang ulit!"

Sumeryoso ang mukha ni Elisse.

Mataman nitong pinagmamasdan ang kaibigan.

Napataas ang kilay ni MM dito.

"May problema ba? Ayaw mo bang bumalik na ako sa trabaho?"

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Sabihin mo nga sa akin yung totoo!"

Kinabahan naman si MM sa sinabi nito.

"Narinig kaya nyang nag-uusap kami ni Tanner?"

Tumawa sya ng peke para maalis ang kaba nya.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"

Malungkot ang mukhang tinanong sya nito.

"Mamamatay ka na ba?"

"Bushak! Ano ba yang tanong na yan!"

"Eh kasi naman bigla-bigla yang mga ginagawa mo! Di ba ganun yun kapag kukunin na ni Lord?"

"Baliw! Hindi ganun yun! And besides dati ko pa naman ginagawa ang pagkanta... babalik lang ako sa dati!" paliwanag nya dito.

"Panahon na rin siguro para maging masaya na ulit ako."
mahinang sabi nya.

"I'm happy that you're slowly coming back!"

Ngumiti si MM kay Elisse.

Tumango sya.

"Kaya bilisan mo na dyan kumain para makapagpaparlor na tayo ng bonggang-bongga!"

"Sigurado matutuwa si Nikko kapag nagpunta tayo sa parlor nya! Miss na miss ka na ng baklang yun!"

"Correction! It's Nikki darling not Nikko!" panggagaya pa ni MM.

"Kurutin ka sa singit nun pag narinig kang tinawag mo syang Nikko!"

At tumawa naman si Elisse.

"Subukan nya para suntukin sya ng kapatid nya!"

"Speaking of kapatid, ano palang sabi ni Mc Coy bakit umalis na naman yung vocalist ng band?"

"Eh kasi naman hindi nila makasundo tapos yung mga regular customers pa ikaw pa rin talaga yung hinahanap-hanap nila! Kaya ayun! Nagquit!"

"Hindi lang pala ako ang makapagmove-on pati pala mga customers natin!" at nagtawanan na silang dalawa.

Pinagmamasdan ni Tanner si MM at Elisse.

Mukhang unti-unti na ngang bumabalik sa dati ang dalaga.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-ayos na sila para pumunta ng parlor.

Sa kwarto ni MM.

Namimili sya ng damit na isusuot.

"Wear that one!" turo ni Tanner sa hawak nya.

Ihinarap nya ito.

"Ito?"

Tumango si Tanner.

"Sigurado ka? Hindi ba masyadong bongga ito eh sa parlor lang naman punta namin!"

"Malay mo may makasalubong kang gwapo eh di hindi ka mapapansin kung mukha kang nakapambahay! Paano tayo makakahanap ng kapalit ko?"

"Sige na nga! Ikaw ang bahala!" at nagbihis na nga sya ng damit na itinuro ni Tanner.

Pagkalabas ng kwarto ay nakasalubong nya na si Elisse.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa suot mo!"

"Pagbigyan mo na ako tutal ngayon lang ulit ako lalabas ng lungga ko!"

At umangkla na sya sa kaibigan.

Napansin ni Elisse na nakasunod sa kanila si Tantan.

"Ahm.... May? Sasama ba sa atin si Tantan?"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon