"Let's go?" yaya ni EJ kay MM pagkatapos nitong pilit na alisin ang pagkakatitig sa dalaga.
"Okay!" nakangiting sagot ni MM sabay baling kay Tantan para hindi makita ni EJ ang pamumula ng pisngi nya.
"Tara Tantan!" at hinawakan na nya ang collar nito.
Hinawakan naman ni EJ ang kabilang kamay ni MM.
"Bye Elisse!" paalam nilang dalawa.
Ngumuso si Elisse sa magkahawak nilang kamay kaya pilit na binabawi ni MM ang kamay nya kaya lang mas lalong hinigpitan ni EJ ang pagkakahawak sa kanya.
"Let's go Ms. Entrata!" nakakalokong ngiti ni EJ sa kanya at hinila na sya palabas ng bahay.
Ipinagbukas nya ng pinto ng kotse si Tantan para doon ito paupuin sa likod.
"Come here boy!" tawag nya dito pero hindi kumikilos si Tantan.
"Sige na Tantan...be a good dog okay?" bulong na saway ni MM dito.
"But I want to sit with you!" tahol nito sa dalaga.
"Hindi pwede! Aso ka nga di ba?" pangungumbinse nito.
"Alright!" ang tahol na sagot nito na tila napipilitan lang.
Umupo na rin ito sa back seat.
Na nakacross arms at tila nakairap.
Nang makaupo si MM sa passenger seat ay nilingon nya si Tantan at sinaway.
"Behave Tantan! Behave!"
Umupo na rin sa driver's seat si EJ.
"Are you two okay?" tanong nya kay MM habang naglalagay ng seat belt.
Ngumiti ang dalaga sa kanya habang hila-hila ang seat belt.
Bumulong sya kay EJ.
"May sumpong yata si Tantan."
"I don't have a sumpong okay!" tahol nito sa kanila.
"Oooppss! Sorry!" nagpeace sign pa sya kay Tantan.
"What's taking you so long?" tahol nito na ang tinutukoy ay ang paglalagay ng seat belt ng dalaga.
"Here, let me help you!" alok ni EJ at sya na nga ang nag-ayos ng seat belt ni MM.
"Style mo bulok!" tahol nito kay EJ na si MM lang ang nakakaintindi.
At dahil medyo naiinis na si MM kay Tantan sa ikinikilos nito ay mas lalo nya pa itong inasar.
Lumapit sya kay EJ na kapag tiningnan mo sa back seat ay tila sila naghahalikan at saka bumulong.
"Thank you EJ!"
"Hey! Enough with the PDA!" tahol ni Tantan.
Lumingon sa kanya si MM at pasimpleng dumila.
Nangingiti naman sa kanilang dalawa si EJ.
Pinaandar na nya ang sasakyan.
"Namiss ko tuloy si Coreen! We loved going to the park together!"
"Siguro kasama nyo rin si Hope noh!" bubulong-bulong na sabi ni MM habang nanghahaba ang nguso.
Na narinig rin naman ni EJ.
Hinawakan nya ang kamay ng dalaga.
"Just the two of us actually! Bonding time namin yun! Selosa kasi si Coreen like....
Tantan!" nakangiting kwento nito na tila sinasabing wala syang dapat pagselosan.
Napabuntong-hininga si MM.
Ang hirap pala ng ganito!
Yung kahit na hindi ka naman dapat magselos eh nagseselos ka pa rin!
Tumahimik na lang muna sya.
"Hey...smile for me please....hindi bagay sa suot mo ang nakasimangot!" pag-aalo sa kanya ni EJ.
"I'm okay..."
"I'm not asking if you're okay, I'm asking you to smile." at hinawakan pa nito ang pisngi nya.
Binigyan nya ng pilit ng ngiti ang binata.
Kung bakit ba naman kasi nagseselos sya kay Hope na hindi naman dapat dahil nakaraan na iyon.
Nafrufrustrate din sya sa sarili nya.
"We're here!" malapit lang naman kasi ang park.
Si EJ na ulit ang nag-alis ng seat belt nya kahit na hindi nya sinabi sa binata na gawin iyon.
At bumaba na nga sila.
Kinuha nya si Tantan sa back seat at kinuha naman ni EJ ang mga pagkain at gagamitin nila.
"Choose a spot that you like and I'll follow you!"
Umaliwalas naman na ang pakiramdam nya ng makita nya ang park.
Paborito nila ni Tantan ang lugar na iyon.
"Okay! Let's go Tantan!" at naghanap na nga sila ng pwesto.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...