MO Chapter 51

953 123 29
                                    

Lumapit si Hope kay EJ na nakatapis lang ng twalya at basang basa ang buhok.

Yumakap sya sa bewang ni EJ at ipinatong ang baba sa balikat ng binata.

"Or I can just use your toothbrush." sabi nito na tila ba nang-aakit.

Para namang nakalimot si EJ na nasa harapan ng pinto si MM at napatingin sya sa mga labi ni Hope.

Napalunok muna sya bago unti-unting nilapit ang labi nya sa labi ng dating kasintahan.

Bigla naman syang pinagsusuntok ni MM sa dibdib nya habang sumisigaw ng... "Walang hiya ka EJ! Dakilang paasa ka!" habang umiiyak ang dalaga.

"Sana hindi mo ako hinalikan kung hindi mo ako kayang panagutan!" panunumbat nya sa binata habang umiiyak.

"Snap out of it MM!" sabi ni EJ sa dalaga habang niyuyugyog ang balikat nito.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nya ulit sa dalaga.

"Huh?" balik ni MM sa reyalidad.

Pilit nyang pinapakalma ang puso nya.

Buti na lang pala ay imahinasyon nya lang ang lahat.

Pero bakit ganun?

Nakakaramdam pa rin ng kirot ang puso nya?

Lumapit sa kanilang dalawa ang isang napakagandang babae.

Nakabihis lang ito ng jeans, plain white shirt at sneakers pero agaw pansin pa rin ang kagandahan nito.

Nakangiti ito sa kanya.

"You must be MM, am I right?"

"Kilala mo ako?" takang tanong nya dito.

"Papasukin mo kaya muna sya EJ bago kami magchika-chika!"

"Kahit kailan talaga makautos ka wagas!"

Bumelat lang sa kanya si Hope.

Hinawakan ni EJ ang kamay ni MM at bahagyang hinila sya papasok ng apartment.

"Tara!" aya nito sa dalaga.

Bagama't nag-aalangan ay wala na ring nagawa si MM.

"Upo ka muna dyan!" at iginiya sya ni EJ sa isang sofa.

"Tingnan mo na lang sa cabinet dun sa cr yung spare toothbrush." baling nito kay Hope.

"Okay!" at naglakad na ulit ito pabalik ng kwarto.

Pero bago pumasok ay nilingon nya si MM.

"Dyan ka lang ha? Chikahan tayo pagkatapos ko magtoothbrush!"

Napatango na lang si MM kay Hope.

Matamang pinagmamasdan ni EJ si MM.

Napatingin si MM sa kanya.

"Ah..." hindi alam ni MM kung ano ang sasabihin nya.

"Yes?"

"Ah eh...balik na lang kaya ako bukas?" alangan na tanong nya.

"Why?"

"Nakakaistorbo yata ako sa inyo ng bisita mo." pilit nyang pinapasaya ang tono ng boses nya kahit na ang totoo nakakaramdam sya ng lungkot.

"Lungkot? Bakit ka naman malulungkot?" tanong ng isip nya.

"No." EJ said firmly.

"Paalis na rin naman sya kaya okay lang na magstay ka rito."

"So kung hindi pa pala sya paalis, paaalisin mo ako ganun ba yun?" sumbat nya sa binata sa isip nya.

Pero hindi na lang sya kumibo.

"She just came here last night to tell me something and now she's leaving."

"Last night?!? Ibig bang sabihin non dito sya natulog? Magkasama sila magdamag?" isip nya.

"Ganun ba?" patay malisya nyang sabi kahit na ang totoo parang naninikip ang dibdib nya sa naiisip nya.

"Yes."

"Paano nga pala nya ako nakilala?"

"Because of Quen!" sagot ni Hope na tapos na palang magtoothbrush.

Napatingin si MM kay Hope.

"Ikaw si Hope?" gulat na tanong nya dito.

"Yup!" nakangiting sagot nito sa kanya.

"Si Hope na childhood sweetheart ni Quen at ex girlfriend ni EJ?!?" sigaw na tanong nya sa isip nya.

Hindi nya alam kung bakit pero yung kaninang munting kurot na nararamdaman nya sa puso nya ay parang biglang naging isang malaking suntok.

Ang sheket!

Ang sheket sheket!

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon