MO Chapter 33

1.1K 125 28
                                    

Parang naestatwa si MM ng marinig ang boses na iyon.

Hindi nya magawang lingunin ang nagsalita.

Naguguluhan naman si EJ sa ikinikilos ng dalaga.

Tumayo sya para makita kung sino yung nagsalita.

Para syang nakakita ng multo ng makita ang lalaki sa likuran ni MM.

"Quen?" naguguluhan na tanong nya.

Tsaka lang napalingon si MM ng banggitin ni EJ ang pangalan nito.

"Magkakilala kayo?" tanong ni MM kay EJ.

Hindi kumibo si EJ.

"You can say that." nakangiting sagot ni Quen kay MM.

"So, kumusta ka na?" tanong ni Quen kay MM.

"Ikaw ang kumusta na! Kumusta na kayo ng kababata mo?"

"Ahm.. we're good! We're together actually! Isasama ko sya dito minsan para makilala mo."

"Excited na akong makilala ang babaeng umagaw sa'yo! Charot!" biro nya kay Quen na nagpatawa dito.

"Loka-loka ka pa rin talaga!" at pinisil pa nito ang ilong ng dalaga.

Habang si EJ ay nagngangalit ang bagang ng marinig ang salitang "umagaw".

"Bakit ka nga pala naligaw dito?"

"Well...uuwi kami ni Hope sa probinsya ng parents ko para ipakilala ko sya."

"Naks! Meet the family na! Kailan ang kasal?"

Hindi pa nakakasagot si Quen ng magsalita si EJ.

"Tapos na ang break natin." at hinawakan na nya si MM pabalik sa stage.

Nilingon nya si Quen.

"Usap tayo mamaya pagkatapos ng set."

Tumango lang sa kanya si Quen.

Pagkarating sa stage ay hinarap nya si EJ.

"Ikaw Mr. Sungit kanina ka pa! Naiinis na ako sa'yo!" nakapamewang na sabi nya sa binata.

"Whatever! Kumanta ka na lang nga!" at hinawakan na nito ang gitara.

Nag-abot ang waiter ng request galing sa audience.

Binasa ito ni MM.

"Ay! Kung sino ka man ate girl Melbz na nagrequest ng song na ito... sarap mong tampalin... charot! Saktong sakto sa nararamdaman ko ito ngayon kaya eto na ang request mo hindi ko na patatagalin pa."

Sinabi nya sa banda ang kanta.

"I dedicate this song to my ultimate crush na mukhang ikakasal na sa babaeng pinakamamahal nya at sa'yo rin syempre ate girl na nagrequest. Sana kung sino man ang nilalandi mo ay hindi bumigay sa'yo! Charot!"

Nagtawanan ang mga tao sa sinabi nya.

Nagsimula na syang kumanta.

At nagsunud-sunod na ang mga request sa kanila.

"Woohhh!Bakit parang puro pangsawi ang mga songs na nirerequest ninyo?" baling nya sa audience.

"Move on din tayo pag may time! Masarap ang magmahal! Just love araw-araw!"

Napatingin sa kanya si EJ.

"Eto ang kanta ko para sa ating lahat na gusto ng magmove-on."

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon