Masaya silang umuwi ng gabing iyon.
Hinatid nya si MM at bago pumasok ang dalaga sa loob ay ipinaalala nya ang picnic date nila kinabukasan.
"Ako ang bahala sa lahat. Susunduin ko kayo ni Tantan bukas okay?" nakangiting paalala nya sa dalaga.
"Okay!" nakangiting sagot ni MM.
"Good mornight and sweet dreams!" malambing na paalam ni EJ.
"Ikaw rin!" at pumasok na sya sa loob ng bahay.
Saka lang umalis si EJ ng makasiguradong nakapasok sya sa loob.
May ngiti sa mga labi na naglakad na pauwi ang binata.
Excited na sya para sa picnic date nila ng dalaga.
Pagkarating ng apartment nya ay nagtext pa sya ulit sa dalaga bago sya matulog.
jgh. excited for tomorrow.
Hindi nya na hinintay na magreply ang dalaga at natulog na rin sya pagkatapos maghubad ng damit.
Nakaboxers lang kasi sya pag natutulog.
Ang sarap ng tulog nya ngayon.
Sobrang saya nya sa mga kaganapan ng araw na iyon.
Maaga syang gumising para ihanda ang mga dadalhin nila sa picnic.
Para syang sira na hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi at pakanta-kanta pa.
Habang si MM naman ay masarap din ang tulog kahit na medyo may pag-aalangan sya sa magiging resulta ng picnic date nila ni EJ dahil kasama nga nila si Tantan.
Hindi nya muna sinabi kay Tantan ang tungkol sa picnic kagabi pagdating nya.
Ayaw nya muna isipin ang mararamdaman ng dating kasintahan.
Pagkagising ay naligo na sya agad.
Pakanta-kanta pa sya habang naliligo.
Busy sya sa pagpili ng isusuot ng marinig nya si Elisse na kumatok.
"Pasok ka!" sigaw nya rito habang nakatingin pa rin sa mga damit na nakalatag sa kama.
"Ang aga mo yata gumising? Wala naman tayong pasok mamaya ah!" puna nito sa kanya.
Ngumiti lang sya rito.
Napansin naman ni Elisse ang mga damit sa kama.
"Hmmm...mukhang may date ang kaibigan ko ah!" biro nito sa kanya.
Tumango lang sya habang nakangiti.
"May date kayo ni EJ?" pagkompirma nito.
"Picnic date!" nakangiting tugon nya.
Napangiti rin si Elisse.
"Ayan na lang ang isuot mo!" sabay turo sa isang yellow dress.
"Hindi ba ako mukhang picnic cloth nito?" biro nya kay Elisse habang itinatapat nya sa katawan ang dress.
"Ayaw mo nun? You belong!" at nagtawanan na silang dalawa.
"Sira ka rin talaga!"
"Kaya nga tayo magkaibigan eh!"
Nagbihis naman na si MM.
"Ay M! Paano pala si Tantan? Aalis rin kasi ako mamaya."
"Don't worry, isasama namin ni EJ si Tantan!"
"Sigurado ka?" alanganing tanong ni Elisse.
"Si EJ ang nagsabi na isama namin sya."
"Ah okay! Good luck sa kanya!" mapang-asar ang ngiti ni Elisse.
"Good luck talaga?"
"Eh kasi alam ko naman kung gaano kaseloso si Tantan kay Tanner dati kaya..." biglang nag-alangan si Elisse na ituloy ang sasabihin.
Ngumiti si MM sa kanya.
Ngiti na nagsasabing okay na sya na pag-usapan si Tanner at ang nakaraan.
"EJ loves dogs! He actually has one of the same breed in Germany, girl nga lang." masayang kwento nya sa kaibigan.
"Ay! Mukhang lumalalim na ang pagkakaibigan nyo ah!"
"Ang totoo nagsabi sya na manliligaw sya sa akin." pag-amin nya sa kaibigan.
"Agad agad?!?"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...