Pagpasok nila sa bar ay pinaupo ni MM si EJ.
"Dyan ka na muna, punta lang ako sa kitchen."
Hindi naman tumutol si EJ.
Wala pang customers dahil hindi pa nagbubukas ang bar.
Nag-aayos pa lang ang mga waiters.
Sa kitchen ay dinatnan ni MM na nag-uusap si Mc at Elisse.
"Oopps! Nakakaistorbo yata ako!" pagpapapansin nya sa dalawa.
Napatingin sa kanya ang dalawa at ngumiti.
"Wrong timing ka naman May! Maghahalikan na sana kami ni babe!" birong tugon sa kanya ni Mc.
Natatawa rin si Elisse.
Pinamulahan naman ng mukha si MM.
"Hoy! Bakit ikaw ang namumula dyan? Di ba dapat ako ang magblush?" sita ni Elisse sa kanya.
Hinawakan naman ni MM ang magkabilang pisngi nya.
"Hindi ako nagbablush noh!"
"Hindi daw eh para kang kamatis sa pula ng pisngi mo!" pansin na rin sa kanya ni Mc Coy.
"Tumigil nga kayong magjowa dyan! Nagugutom na kami ni EJ!"
Tatawa-tawa na lang ang magjowa sa kanya.
"O sya maiwan ko na kayong dalawa dyan!" sabay labas ni Mc ng kitchen pagkatapos humalik sa pisngi ni Elisse.
"Mabuti pa nga!" sabat ni MM sa kanya.
"Sigurado kang hindi ka pinakain ni EJ?" baling ni Elisse sa kanya.
"Niyaya ko na syang dito kumain kasi sabi ko nandito ka na!" tugon nya kay Elisse na binalewala ang tanong nito.
Nangingiti na lang si Elisse.
"Ano bang gusto mong kainin? Dinner na ba ang kakainin nyo? Malapit na mag-open ang bar mas mabuti siguro magdinner na kayong dalawa. May niluto akong sinigang na baboy dyan!"
"Mabuti pa nga siguro!" at sumandok na sya ng kanin para sa kanilang dalawa ni EJ.
Habang si Elisse ay ipinagsandok sya ng sinigang.
"Kumusta ang lessons nyo ni teacher Pogi?" pang-aasar sa kanya ni Elisse.
"Anong teacher Pogi? Ang sabihin mo teacher Sungit!"
Natawa si Elisse.
"Talaga?"
"Talaga! Ang seryoso nya habang nagtuturo." nakangusong sumbong nya kay Elisse.
"May natutunan ka naman ba?"
"Oo naman! Kahit na kabadong-kabado ako kahit papaano may natutunan naman ako!" nakangiting sagot nya.
Inilagay ni Elisse sa tray ang sinigang at yumakap sa bewang ni MM.
Medyo nagulat pa si MM sa ginawa ng kaibigan.
"Huy! Bakit bigla ka na lang nangyayakap dyan?" habang inilalapag nya ang kanin sa tray.
"Masaya lang talaga ako na bumalik na yung kaibigan ko!"
"Hay naku Elisyang nagdrama ka na naman! Pero salamat kasi hindi nyo ako sinukuan nung mga panahon na para na akong baliw sa kalungkutan!" habang iniipit nya ang magkabilang pisngi ni Elisse ng mga kamay nya.
"Dalhin mo na sa labas yan at baka gutom na si teacher Pogi mo!" natatawang sabi sa kanya ni Elisse.
"Teacher Sungit!" sagot nya kay Elisse ng hindi nya namalayan na nasa harapan nya pala si EJ.
"Who's teacher Sungit?" sabi nito na hinawakan ang tray na hawak nya.
"Ah eh... yung teacher namin dati! Tama! Yung teacher namin dati sa college sobrang sungit!" pagpapalusot nya rito.
Kinuha ni EJ ang tray sa kanya at ito na ang nagbitbit pabalik sa lamesa nila.
"Sino naman si teacher Pogi?" biglang hinto ito sa paglalakad kaya nauntog si MM sa likod nya.
"Ikaw!" wala sa sariling sagot ng dalaga sa kanya.
Nilapag ni EJ ang tray at humarap sa kanya.
"So pogi ako?" nakangiting tanong nya sa dalaga.
"Ay hindi! Ang pangit mo kaya!" pigil ang ngiti ng dalaga at saka umupo.
Umupo rin sa tabi nya si EJ.
"Pangit ako?" pagpapacute nito habang sobrang lapit ng mukha nya sa dalaga.
"Oo na! Pogi ka na! Kumain na nga tayo!" sabay subo nya ng kanin para mapigilan ang ngiti nya.
Habang si EJ naman ay tatawa-tawa.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...