MO Chapter 18

1.1K 118 18
                                    

"Sigurado ka EJ?" alangan na tanong ni MM pero hindi nya maitago yung excitement na marinig ang boses ng binata.

"Hindi mo pa nga naririnig yung boses nya kinikilig ka na? Mamaya boses palaka pala yan!" pang-iinis ng isip nya.

"Bakit? Do I have a choice? Pumayag na nga ako di ba?" pagsusungit na naman nya.

"Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka! Tara na nga! Kumanta na lang tayo!"

Si EJ naman ay pigil na pigil ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi.

"Bakit ba kasi hindi nya makuhang mainis sa babaeng ito?" ang tanong nya sa sarili.

Bumalik na sila sa entablado.

Nakaset-up na yung mikropono na gagamitin nila sa pagkanta.

Kinuha na ulit nya ang gitara nya.

Sumenyas si MM kay Marco.

Tumango sya kay EJ.

"This next song is dedicated to the lovely couple, Josh and Lia!"

EJ starts to sing...
Do you hear me,
I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
He stares at MM while singing.
MM answers...
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
Naiilang sya sa pagtitig ni EJ pero kinikilig din sya.

Sa part na sabay sila ay tumigil sa paggitara si EJ at lumapit sya kay MM para isang mikropono lang ang gamit nila.
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Oh oh oh oh oh oh oh oh

They finished the rest of the song with EJ staring into MM's eyes.

Hindi tuloy maiwasan ni MM ang kiligin.

"Shete! Ang gwapo na nga ang lambing pa ng boses!" sigaw ng isip ni MM.

Natapos ang kanta nila pero nakatingin pa rin si EJ kay MM.

Umiwas na ng tingin ang dalaga.

Hindi nya na kinakaya yung pagtitig ng binata sa kanya.

Lumuwag yata ang garter ng panty nya sa titig nito.

Napaayos tuloy sya ng palda nya.

Pagkatapos ng kanta ay nagsalita na ang lalaki at lumuhod sa harapan ng babae.

"Best, will you make me the luckiest man alive by marrying me?" sabi nito sabay labas ng singsing.

Napatakip ng bibig ang babae at habang umiiyak ay tumango ito.

"Yes!"

Nagpalakpakan ang ibang customers na naroon.

Habang ang magkasintahan ay nagyakapan.

Si EJ naman ay napansin ang lungkot na saglit na sumungaw sa mga mata ni MM.

Umiwas ng tingin sa magkasintahan si MM bago nagsalita.

"Congratulations to the lovely couple! At bilang regalo ko sa engagement nyo, kakantahan ko kayo!"

Bumalik na sa pwesto nya si EJ.

Bumulong si MM kay Marco at nakita ng binata na tumango ito.

Sinabi ni Marco sa kanila ang kakantahin ng dalaga at tumugtog na sila.

"Para sa lahat ng mga natagpuan na ang the one nila!"

A/N: credits to all the vids I used ❤️

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon