Simula ng araw na iyon ay naging close na si MM sa pamilya ni EJ.
Na minsan ay nagseselos na si EJ dahil naeetsapwera sya sa pamilya nya kapag nariyan ang kasintahan.
Pero ang totoo ay masaya sya dahil alam nyang sabik sa magulang si MM dahil ulila na ito.
Masayang masaya sya na mahal ng pamilya nya ang babaeng mahal nya.
Hindi naman kasi mahirap mahalin ang dalaga kaya hindi na sya nagtataka doon.
Siya nga ay madali lang napaibig nito.
Nangingiti sya habang minamasdan ang kasintahan na nakikipagbonding kay Coreen at Tantan.
Nakakatawa dahil unang kita pa lang ni Tantan at Coreen ay tila na love at first sight yata ang dalawa.
Ang suplada nyang aso na si Coreen ay nakasundo agad si Tantan.
He would've wanted Coreen to stay with him kaya lang hindi nya naman maaasikaso ito.
Dumating ang araw ng kasal nila Quen at Hope.
Hindi nya pa nakikita si MM dahil kagabi pa lang ay kasama na ito nila Quen at ng ibang groomsmen habang sya naman ay kasama nila Hope at ng ibang bridesmaids.
Nag-umpisa na ang prosisyon ng kasal.
Napakaganda ng bestfriend nya sa suot nitong gown.
Pero isang tao lang ang hinahanap ng mga mata nya.
Ang babaeng balang araw ay balak nya ring pakasalan.
Natanaw nyang katabi ito ni Quen.
Habang naglalakad sya ay wala syang ibang tinitingnan kung hindi ito.
Nang makarating sya sa tapat nito ay lumapit sya sa dalaga at kinuha ang kamay nito.
"Anong ginagawa mo mine?" tanong sa kanya ng dalaga.
"Doon ka dapat sa kabila hindi dito!" natatawang sabi sa kanya ni MM.
Tinapik sya sa balikat ni Quen.
"We're the ones getting married bro! Not you and MM!" natatawang paalala na rin sa kanya ni Quen.
Nabalik naman sya sa wisyo at saka dali-daling pumunta sa kabilang aisle.
Buti at walang masyadong nakapansin sa ginawa nya dahil nakatutok ang lahat kay Hope.
Nang makarating sa tapat ni Quen si Hope ay nakita nyang yumakap ito kay MM.
"Thank you!" bulong nito kay MM.
At nag-umpisa na ang kasal.
Hindi nya maiwasang isipin ang sariling kasal habang nakikinig sa pari.
Madalas rin ay panay ang tingin nya kay MM.
Paminsan-minsan ay nagkakahulihan sila ng tingin.
Sasawayin naman sya ng dalaga at sesenyasan na makinig sa pari.
Bago sya bumalik ng tingin sa pari, he would mouth the words "I love you!" to her at hindi sya babalik ng tingin hanggang hindi tumutugon ang dalaga.
Naramdaman nyang may humampas ng pamaypay sa kanya.
Pagkalingon nya ay mukha ng ina nya ang nakita nya na hindi mo alam kung matutuwa o maiinis sa kanya.
"EJ! Mamaya na ang kire!" saway nito sa kanya kaya napakamot na lang sya sa ulo nya.
"Sorry mom!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...