Naging maayos naman ang pagbabalik ni MM bilang vocalist.
At si EJ naman ay mukhang nakakaadjust na rin as their guitarist.
Maraming customers ang lumalapit kay MM para batiin sya sa pagbabalik nya.
Kahit paano ay gumagaan na ang pakiramdam ni MM sa desisyon nyang magsimula na muli.
Sapat na panahon na siguro ang ginugol nya sa pagluluksa sa pagkawala ni Tanner.
Hindi rin naman siguro gugustuhin nitong habambuhay syang malungkot.
Kaya nga sya pumasok sa katawan ni Tantan di ba?
Para makapagmove-on na kayong pareho?
Tama!
Yun na nga ang tamang gawin nya!
Napatingin sya kay EJ.
Paano nya kaya malalaman kung walang sabit ang binata?
Parang imposible naman kasing walang girlfriend ang gwapong katulad nya!
Tapos gitarista pa!
Tapos maganda pa ang boses!
Masungit nga lang paminsan-minsan!
Ang sabi ni Tanner sa kanya ay okay naman ang binata.
Pero baka naman kasi animal instinct ang ginamit ni Tanner!
Napatingin sa kanya si EJ ng mapansing nakatitig sya.
Ngumiti ito sa kanya.
Napaiwas tuloy sya ng tingin.
Paano ko kaya malalaman kung single pa ito si Mr. Sungit?
Kahit na single sya... ang tanong.... magugustuhan ka kaya nya?
Ako pa ba?
Wow confident!
Ganda ka?
Nagflip pa sya ng hair sabay sagot sa isip nya ng "Oo!"
Nainlove nga sa akin si Tanner eh!
Nabulagan lang yon!
Tumigil ka nga!
Kanina ka pa!
Maganda ako!
I repeat "Maganda ako!"
"Yes, you really are beautiful!" sabay sabi ni EJ habang titig na titig sa kanya.
Shocks!
Nakakahiya!
Narinig nya!
"Tara na nga umuwi na tayo!" yaya nya sa binata.
Tapos na kasi ang gig nila.
"You should put on my jacket again!" at isinuot nga nito ang jacket sa dalaga.
"Next time you should bring clothes so you can change after the gig! Delikado sa daan!" seryosong sabi ni EJ sa kanya.
"Sanay na yung mga kapitbahay na makita akong nakaganito. Tsaka malapit lang naman yung apartment dito sa bar."
"Kahit na! Dapat mag-ingat ka pa rin!"
Para namang jowa kung makasermon ito!
"May sinasabi ka ba?"
"Ah wala! Sabi ko buti na lang kasabay kita!"
Dati kasi si Tanner ang kasabay ko umuwi.
"Let's go!"
"Teka silipin ko lang si Elisse sa kitchen para makapagpaalam!"
"Sige, I'll just wait for you outside!"
Pagkatapos magpaalam ni MM kay Elisse ay lumabas na sya.
Nakatalikod si EJ kaya hindi sya agad nito nakita.
"Ang gwapo naman ni Mr. Sungit kahit nakatalikod!" at napangiti pa sya sa naiisip nya.
Bakit ba pagdating kay EJ lahat ng kalandian ko sa katawan gustong kumawala?
Nalilito na rin sya minsan sa sarili nya.
Pero kung ito ang paraan para makalimutan nya si Tanner ay lalandiin nya na si EJ!
Charot!
Masama yun noh!
Kung magustuhan ko man si EJ yun ay dahil sa pagkatao nya at hindi dahil sa gusto kong makawala sa alaala ni Tanner!
Ayokong maging unfair sa kanya kung sakali!
Layo na ng narating mo eh hindi mo pa nga alam kung magugustuhan ka rin nya!
Lumingon na sa kanya si EJ.
At ngumiti sa kanya.
Uy!
May chance!
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...