Magaan ang pakiramdam ni MM ng gumising sya.
Naghanda na sya para pumunta sa apartment ni EJ.
Excited syang matuto sa piano lessons nila.
Pakanta-kanta pa sya habang naghahanda.
Pagkalabas nya ng kwarto ay naroon na si Tantan.
"Good morning Tantan!" masayang bati nya dito.
Inirapan sya nito.
Natawa na lang si MM.
"Sungit mo naman! Bahala ka nga dyan!"
Tumungo sya sa kusina para kumain bago umalis.
Nadatnan nyang naroon si Elisse na kumakain na rin.
"Good morning!" masayang bati nya rito sabay upo.
Napangiti ito sa kanya.
"Mukhang masaya tayo ah!"
"Ay hindi! Malungkot ako! Huhuhu!"
"Loka-loka! Ano palang nangyari kagabi? Bakit may pagwalk-out na naganap?"
Ayaw nyang ikuwento kay Elisse yung tungkol kay EJ at sa ex nitong si Hope na magiging fiancé na ng ex-crush nyang si Quen.
Hindi sa naglilihim sya pero hindi naman kasi sya ang dapat magkwento non.
"Ah eh ano...nabigla lang ako sa pagdating ni Quen."
"Bumalik na si Quen? Mukhang may chance na kayo ngayon ah!"
Napailing si MM.
"Imposibleng mangyari yun kasi may girlfriend na sya at balak na nyang magpropose dun sa girl!"
"OMG! Sino naman yung girl?"
"Meron pa bang iba? Eh wala namang ibang bukambibig yun kahit dati pa kung hindi si Hope!"
"Sabagay tama ka dyan! Eh si Ford kaya? Di ba may gusto rin sayo yun dati?"
"Dati yun! Malay ba natin kung may asawa't anak na yon!"
"Eh pero teka, bakit pala kasama mo sa pagwalk-out kagabi si EJ?" at pinaningkitan pa sya ng mata ni Elisse.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" pag-usisa pa ulit sa kanya nito.
"Yun ba? Wala yun! Dinamay ko lang si EJ sa emote emote ko!" sabay iwas ng tingin kay Elisse.
Hindi naman nakumbinse si Elisse pero hindi na lang muna nya inurirat pa si MM.
Basta ang mahalaga sa kanya ay hindi na nagmumukmok ang kaibigan sa pagkamatay ni Tanner.
Tumayo si MM.
"Una na ako! May lakad ako ngayon."
"Talaga? Saan naman?"
"Kanila EJ. Tuturuan nya ako tumugtog ng piano." tila nahihiyang pag-amin nito.
"Talaga? Tama yan para may pagkaabalahan ka. Pero reminder lang ha, piano ang pag-aaralan ha? Baka ibang instrumento ang pag-aralan nyo!" sabay pilyang tawa ni Elisse.
"Bushak ka! Puro ka kalokohan!" at namula pa si MM sa sinabi ng kaibigan.
"Bakit ano bang ibang instrumento ang naiisip mo? Ikaw yata itong madumi ang utak eh!" natatawa pa ring sabi ni Elisse.
"Dyan ka na nga! Maliligo na ako!"
Tumalikod na sya at bumalik ng kwarto.
Naligo na agad sya kasi parang biglang uminit ang pakiramdam nya.
"Elisse naman kasi eh! Pinopollute mo ang utak ko!" angal nya sa isip.
Hindi naman sya inosente sa mga ganung bagay pero kasi sa tagal ng relasyon nila ni Tanner ay walang nangyari sa kanila.
Hindi sa ayaw ni Tanner pero hindi nya kasi magawang ibigay yun sa nobyo.
Hindi naman sya yung tipo na naniniwalang dapat pagkatapos ng kasal yun mangyari pero hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing mararamdaman nyang may mangyayari sa kanila ni Tanner ay umiiwas sya.
Hanggang kissing lang ang nangyari sa kanila ni Tanner.
At kahit yun ay madalang rin lang.
Hindi nya maintindihan sa sarili kung bakit.
Gwapo naman si Tanner at yummy pa!
Biglang sumagi sa isip nya si EJ at ang halik nito sa noo nya.
Napasapo sya sa noong hinalikan ng binata at naramdaman na naman nya ang pag-iinit ng pisngi nya.
Nilalagnat yata sya.
Tapos na dapat syang maligo pero napabuhos ulit sya ng tubig sa ulo nya.
"Woohhh! Ang init!"
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...