Lumapit ang mommy ni EJ kay MM upang sana ay yakapin ito ngunit nagulat silang lahat ng bigla na lang himatayin si MM.
"E...J..." ang tanging nasambit lang nya bago sya mawalan ng malay.
"Hala! Anak anong nangyari? Bilis buhatin mo muna sya!" nag-aalalang sabi ni Catherine.
Habang buhat ni EJ si MM patungo sa kwarto nya ay tinatawag nya ito.
"Mine! Mine! Mine! Come back here!" tawag sa kanya ni EJ.
Pagkagising ni MM ay nasa isang kwarto sya na hindi nya kilala.
Lumapit si EJ sa kanya.
Napangiti sya.
Ang gwapo naman talaga ni EJ.
Napaupo sya bigla ng maalala ang mama nito.
"Hey! Are you okay?" tanong sa kanya ng binata.
"I think she got too scared of you mom!" nangingiting sabi ni Laura.
"Mom?" takang tanong nya.
Lumapit ang isang magandang may edad na babae at umupo sa tabi ng kama.
Hinawakan nito ang kamay nya.
"Okay ka na ba iha? Pasensya ka na kanina. Hindi ko naman akalain na matatakot ka at hihimatayin!"
"Wait lang po! Ibig sabihin hindi pa ako patay?"
"You fainted earlier mine!" paliwanag ni EJ.
Hala!
Nakakahiya!
Mukhang nasobrahan na naman sya sa imagination nya.
What to do?
"Nasaan ako?" tanong nya muna para maiba ang usapan.
"Oh no! Don't tell me you've got amnesia?!?" pag-aalala ni EJ.
Sana nga nagkaamnesia na lang sya!
Nakakahiyang himatayin sya in front of her future mother-in-law! Charot!
Sumulyap sya sa ina ni EJ at nakita nyang nakangiti ito sa kanya.
"Sino ka?" biro nya na kay EJ.
"Oh no! You can't forget me mine! I still have to marry you!" nag-aalalang sabi ni EJ habang hawak sya sa magkabilang pisngi.
Pinigilan nya ang mapangiti.
Niyakap sya ni EJ at hinaplos-haplos ang buhok nya.
"I'm EJ! Your boyfriend and future husband!" seryosong sabi nito.
Nakita ni Catherine na nakangiti sya kaya kumindat ito sa kanya at inayang lumabas ng kwarto si Laura.
Dahan-dahan silang lumabas at isinara ang pinto.
"EJ? Parang wala akong naalala na ganung pangalan!"
"I will do everything just to make you remember me!" at hinalikan sya nito bigla.
Hindi sana sya tutugon sa halik nito para mapanindigan ang pagkukunwari nya pero hindi nya kinaya.
Napahawak na rin sya sa batok nito.
Humihingal na humiwalay si EJ sa kanya.
"Do you remember me now?" seryosong tanong nito.
Kunwari ay nag-iisip syang tumingin dito.
"Isa pa nga! Baka sakaling maalala na kita!" pilyang sabi nya rito.
"Gladly!" EJ smiled before kissing her.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...