MO Chapter 21

1K 139 44
                                    

Nagising si MM sa pagvibrate ng cellphone nya.

Agad nyang sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

Inaantok pa kasi sya.

"Hello...." sagot nya sabay hikab.

"Ahm hello? This is EJ. Naistorbo ko ba pagtulog mo?"

"Hende nemen!"

"What did you say?"

"Ang sabi ko hindi ka naman nakaistorbo. Actually, kanina pa nga ako gising! Bakit ka nga pala tumawag?"

"Ano kasi... ahm...may gusto ako..."

"May gusto ka sa akin? Emeged! Eng beles nemen!"

"I mean may gusto sana akong sabihin sa'yo!"

"Enebeyen?"

"Will you please stop talking in that alien language?"

"Sungit naman nito! Ano ba kasi kailangan mo?"

Tumayo si MM para kumuha ng tubig sa ref sa kusina habang kausap pa rin si EJ.

Nakita sya ni Tantan kaya sinundan sya nito pabalik sa kwarto.

Hindi napansin ni MM ang pagsunod ni Tantan sa kanya.

Umupo sya ulit sa kama habang si Tantan ay nasa gilid ng kama nya.

"Pwede mo ba akong samahan sa music store? May bibilhin lang ako! Hindi kasi pwede si Marco and hindi ko pa naman kabisado dito."

"Ah yun lang ba? Sige what time?"

"Ngayon na?"

"Agad-agad? Kagigising ko lang!"

"Akala ko ba kanina ka pa gising?"

"Okay fine! Kagigising ko lang! Ang totoo ikaw ang gumising sa puso kong natutulog este ikaw ang gumising sa akin!"

Tumaas ang tenga ni Tantan sa narinig na sinabi ng dalaga.

Is she talking about EJ?

Bakit ganun?

Parang may kakaiba syang naramdaman sa sinabi ng dalaga?

"I'm already here outside your gate!"

Natatarantang tumayo naman si MM sa sinabi ng binata.

"Bushak! Baka naman pwedeng maligo muna ako?" at lumabas sya ng kwarto para pagbuksan ng gate ang binata.

Hindi nya pa rin napansin na nakasunod si Tantan sa kanya.

Dali-dali nyang binuksan ang gate.

"Pasok ka na muna! Maliligo lang ako!" yaya nya sa binata.

Nag-umpisa na syang maglakad pabalik sa loob ng apartment.

Habang si EJ naman ay nakatulala sa kanya.

Lumingon sya dito ng maramdaman nyang hindi sumunod ang binata sa kanya.

"Huy! Tara na sa loob!"

Pagkaharap nya sa binata ay sya namang pagtalikod nito.

"Anong problema nito ni Mr. Sungit?" tanong nya sa sarili.

Lumapit sya sa binata at pilit na pinapaharap ito.

"Huy! Tara na! Pasok ka na!"

Pero kahit na anong pilit nyang iharap si EJ ay ayaw nito.

"I think you forgot something!" alangan na sabi nito sa kanya.

Napaisip ang dalaga.

Pero wala syang maisip na nakalimutan nya.

"Ano bang nakalimutan ko?" tinanong nya na si EJ.

"You forgot to wear your bra!" tahol ni Tantan.

"You forgot to wear your bra!" nakapikit na humarap si EJ sa kanya.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon