MO Chapter 53

991 141 29
                                    

"Okay na kami as in nakapag-usap na kami about the past. And okay na kami as in nakapagmove-on na ako sa kanya."

Habang sinasabi iyon ni EJ ay palapit sya ng palapit kay MM.

"Ah.... ganun ba? Congrats sa'yo dahil nakapagmove-on ka na!"

Ang dalaga ay napapaatras ng napapaatras habang sinasabi iyon.

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni EJ dahil sa ginagawa ng dalaga.

Mas lalo syang lumalapit sa dalaga hanggang sa mapahiga ang dalaga sa sofa dahil nagkamali ng hakbang paatras.

Napapikit pa ito sa nangyari.

Nanlaki ang mga mata ni MM pagmulat nya dahil sa paglapat ng mga labi nila ni EJ.

Napahawak kasi sya sa binata sa taranta habang patumba kaya nahila nya ito at napaibabaw sa kanya.

Kitang-kita nya ang pagkinang ng mga mata nito dahil sa nangyari.

Dali-dali nyang itinulak ang binata palayo sa katawan nya.

Pero hinawakan lang nito ang mga kamay nya at hindi umalis sa ibabaw nya.

"E... EJ! Ang bigat mo! Hindi ako makahinga!" pagdadahilan nya rito.

Hindi naman talaga sya makahinga pero hindi dahil sa mabigat si EJ kung hindi dahil sa kabang nadarama nya na baka halikan sya ulit nito.

Pero hindi nagpatinag ito bagkus ay tinitigan pa lalo sya sa mata.

Tila ba may hinahanap itong kasagutan doon.

Nag-iwas sya ng tingin dito.

Hindi nya kayang salubungin ang mga mata nito.

"Look at me MM..." may himig pakiusap sa tinig nito kaya naman hindi nya natiis at ibinalik nya ang tingin sa binata.

Nang magtama ang mga paningin nila ay nagtanong ang binata.

"This is real right?"

"A...a....alin ang totoo?" nauutal nyang tanong dito.

"That you're here in front of me! And that I'm holding you like this!"

Sa sobrang bilis ng ginawa ng binata ay hindi nya namalayan na ito na ang nakahiga sa sofa at sya na ang nasa ibabaw nito.

Iniyakap nito ang mga braso sa bewang nya ng mahigpit.

Tila naubusan sya ng lakas na kumawala sa pagkakayap nito.

"Ano bang sinasabi mo EJ?"

"I'm not just imagining this right?"

Kinurot nya ang pisngi ng binata.

"Ouch! What did you do that for?!?"

"Gusto ko lang patunayan sa'yo na totoo lahat ito!"

Akala nya ay makakawala na sya ng hawakan nito ang pisnging kinurot nya pero hindi pa rin pala.

Hinigit sya ng isang braso nito kaya napalapit ang mukha nya sa mukha nito.

Sumilay na naman ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"Since you are really in my arms right now..." sabi ng binata before he swooped in for a kiss.

Sa gulat ng dalaga ay nanlalaki ang mga mata nya.

Pero habang unti-unting tumatagal ang halik ay napapikit na rin sya at tuluyang nagpaubaya ang labi nya sa labi ng binata.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon